"Sa wakas nakita rin kita!" Mapanuring tingin ang ipinukol ni Armando sa dalaga mula ulo hanggang paa. "Walang magagawa ang pagtakas mo sa mga koneksyon ko. Marami akong tao sa paligid. Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan ang dinulot mo sa pamilya ko lalo na sa akin? Pinagmukha mo akong tanga sa simbahan, niloko mo ako pati na ang mga magulang mo. Ang galing mong mag panggap na na-kidnap ka. Alam kong may kasabwat ka, maliban sa yaya mong si Salve ay may mataas na tao na sumusuporta sa'yo at kinakalaban kami ng Papa mo. Sabihin mo sa akin kung sino s'ya para ipakita ko sa kaniya kung sino ang mas makapangyarihan sa amin dito sa bayan ng San Manuel." Nakaramdam ng takot si Cassie, hindi para sa kaniya, kung hindi para sa kaniyang Tita Celeste at Tito Miguel. "Ano ba'ng sinasabi mo?

