Matapos nilang lisanin ang bahay ay isinama na nila ang asawa ni Armando at dumaan muna sila sa mall. Inutusan ni Luther sina Salve at Darwin na bilhan ito ng mga damit upang makapagbihis ng malinis at komportable. Ang kasuotan kasi nito ay parang pinaglumaan na ng panahon. Nagpaiwan lang sila sa sasakyan at doon naghintay. Makalipas ang isang oras ay bumalik na rin ang kaniyang mga inutusan. Nang makaalis sa mall ay dumiretso naman sila sa parlor para ipaayos ang buhok nito na para bang matagal na panahon ng hindi nakakatikim ng suklay. Nakiusap na rin sila sa may ari ng parlor na kung pwede ay magamit nito ang kanilang banyo para makaligo. Dahil sa malaking halaga ng salapi na ibinayad ni Luther ay pumayag naman ang mga ito na i-total make over ang ginang. Naghintay lang sila sa sala n

