Kabanata 1

2040 Words
Eloisa The buzzing sound coming from the old air conditioner was the only thing I could hear while waiting for the result of my initial interview and screening process. Tatlong kumpanya na ang in-apply-an ko ngayong araw pa lang. Iyong mga pinuntahan ko noong nakaraan ay wala na talagang paramdam. Bakit naman kasi ang taas ng qualifications? Kailangan talaga at least five years ang experience? Paano naman ang fresh graduates o kaya ay iyong mga wala pang limang taon mula noong nagtapos? "Miss Leondez?" tawag ng admin assistant sa akin. I collected my stuff and walked towards the room. Kabado ako nang husto kaya kahit kumakalam na ang sikmura ko ay hindi ko iyon gaanong iniintindi. "Please take a seat," anang may edad na HR sa akin. Ni hindi ako binato ng tingin. Wala ring anumang ekspresyong mabakas sa seryoso nitong mukha kaya lalo akong kinakabahan. I cleared my throat after a few moments of silence. "H-How was my interview, Ma'am?" lakas-loob ko nang tanong. Ayaw kong mag-aksaya ng oras. Maaga-aga pa naman. Kung hindi ako makakapasa rito ay pwede pa akong sumaglit sa katabing building bago ang uwian nina Kanoa. She finally looked at me through her thick reading glasses that had a beaded lace hanging around her neck. "You have an impressive educational background but you lack the experience," deretsahan niyang sabi na nakapagpabagsak sa mga balikat ko. I saw that coming. Halos pare-pareho naman sila ng sinasabi. Matalino man ako, kulang ako sa experience. Puro ba naman BPO background ang inilagay ko sa resume ko. She flipped some papers on her desk. "May I ask why you decided to leave your previous company?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang BPO company na pinakamatagal kong pinasukan. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "Lumalaki na ho ang anak ko. Pumapasok na siya sa kindergarten. Next year grade one na siya. Ang hirap pong magbalanse ng oras kapag panggabi ang trabaho ko. Isa pa ay . . ." Napayuko ako. "My son is . . . quite peculiar." "Mentally challenged?" walang preno niyang tanong. Humugot ako ng hininga. "He's not like other kids. He is . . . dyslexic." Lakas-loob kong sinalubong muli ang kanyang tingin. "He's peculiar, and in this world, peculiar people are often treated differently. I don't want to . . . give people the chance to hurt my son just because mommy needs to sleep during the day while he's at school." Pinakatitigan niya ako na tila tinitingnan kung nagsasabi ako ng totoo. Maya-maya ay bumuntonghininga siya't hinubad ang suot na salamin. "Our company is looking for candidates who meet our qualifications. You can come back after gaining experiences somewhere else." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa kahit inasahan ko naman nang hindi na naman ako matatanggap. Maybe I had a little hope that she'd at least give me a chance. Handa naman akong matuto. Matyaga naman ako at may utak. Sa sama ng loob ko ay tinawagan ko si Jancy. She's working at a hospital in the Metro. Niyaya kong magkita kami nang makapaglabas ako ng frustrations ko. "Ako na 'to. Sumahod na ko. Itabi mo na 'yan at hindi ka pa sigurado kung kailan ka makakakuha ng trabaho," aniya nang akmang babayaran ko na ang kape ko. Nahihiya akong tumango. This is why I rarely meet up with her despite us both living in Manila. Siya na lang palagi ang taya palibhasa ay alam niya ang sitwasyon ko. "Makakabawi rin ako sa'yo," hiyang-hiya kong sabi nang maokupa namin ang pinakamalayong mesa mula sa counter. "Ayos lang." Nagtali siya ng buhok. "Kumusta ang inaanak ko?" "Nagpapabili na naman ng watercolor." She grinned. "May pinagmanahan." She rested her elbows on the table then intertwined her fingers. "Humingi ka na lang kaya ng child support? O kaya sabihin mo ipasok ka sa kumpanya niya. Anak niya rin naman ang binubuhay mo. Karapatan naman ni Kanoa na matikman ang pera ng tatay niya." Jancy was the first person I talked to about what happened between me and the stranger I met on my twenty first birthday. We did a little digging and found out who I slept with. Noong nalaman ko kung sino si Kahel Ducani-Herrera ay ipinangako ko na sa sarili kong ibabaon ko sa limot ang nangyari sa amin. Kaya lang pagkalipas ng isang buwan, binulaga na lang ako ng katotohanang nadisgrasya niya ako. I rolled my eyes. "Sinabi ko na sa'yo. Lalo lang sasama ang imahe ko kay Daddy. Alam mo naman ang tingin no'n sa mga negosyante. Baka lalong hindi kami tanggapin." "Hindi ko talaga gets. Pinalayas ka noong nalamang buntis ka dahil kasiraan sa napaka-holy ninyong pamilya ang pagiging disgrasyada mo. Bakit ba hinahanap mo pa rin ang pagtanggap niyang tatay mo?" Hindi ko rin alam. Siguro dahil natatakot akong mawalan ng pamilya kaya kahit buong buhay ko kinontrol ako ni Daddy, kahit na pinalayas niya ako at itinakwil noong nalamang buntis ako kay Kanoa, naghahanap pa rin ako ng pagmamahal at approval niya. Iyong pagmamahal at approval na ibinigay niya sa dalawang nakatatanda kong kapatid. Hinawakan ni Jancy ang kamay ko nang hindi ako nakakibo. "I didn't mean to offend you. Sorry. Hindi ko na na-filter ang bibig ko." Pilit akong ngumiti. "Ayos lang. Parang hindi naman ako sanay sa'yo." Umayos siya ng upo. "Malapit nang mag-grade one si Kanoa. Baka kung sa public school mo lang siya maipapasok next school year, lalong mahirapan ang inaanak ko. Sana i-consider mo rin. Hindi naman porke't hihingi ka ng child support eh kailangan mo na siyang ipakilala sa tatay mo bilang nobyo mo." Bumuntonghininga ako. "Paano ko naman hihingiin ang child support sa taong 'yon? Baka mamaya hingian pa ako ng DNA test bago ako i-entertain. Magkano rin 'yon saka nakalimutan mo na ba? That guy is close to being a celebrity. Halimaw sa business world gaya ng ibang kamag-anak, sikat pang artist. He will surely doubt me if I'd tell him upfront na, hoy mister! Pinutukan mo ko sa loob six years ago." "Subukan mo muna. Puntahan mo 'yong office address ng DCN Homes tapos subukan mong humingi ng appointment. Malay mo naman i-guide ka ni Lord at milagrong magkaharap kayo ni Kahel kahit busy siyang tao." She pulled her phone out. "Magbu-book ako ng Grab para sa'yo. Ako na ang susundo kay Kanoa sa school tutal off ko naman ngayon." Napaawang ang mga labi ko. "Huy!" "Sige na, El. Alang-alang na lang kay Noa. Subukan mo lang." She clicked something in her phone and then showed me the screen. "There. Na-book na kita. Bilisan mo nang inumin 'yang kape mo at layas na." Nahilot ko na lang ang sintido ko. Ang hirap talagang magkaroon ng kaibigang paladesisyon. Wala rin akong nagawa. I went to DCN Homes' main office in BGC. Habang nasa cab ay panay ang practice ko sa aking isip ng sasabihin kung sakali ngang magkaharap kami ni Kahel. I shut the door of the cab as soon as the driver dropped me in front of the tall building sitting next to the famed Ducani Empire building. Both structures scream class and elegance. Something I barely possess. Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko. Yes, I am in a gray corporate attire but the materials are obviously cheap. Ito lang ang afford ko at dadalawa lang ang ganito ko. Mas luma pa iyong isa. Gusto kong mag-back out ngunit nang mag-chat si Jancy at pinadalahan ako ng larawan ni Kanoa ay parang kinurot ang dibdib ko. Kawawa naman ang baby ko. Nakakakain lang sa gusto niya kapag sahod ko o kaya kung nililibre ng ninang niya. Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. I typed a chat for Jancy before I finally filled my lungs with enough air. Bahala na. Susubukan ko na lang. Eh 'di kung hindi ako pakinggan, hindi bale na. My heart pounced loudly inside my chest as I graced towards the reception. The guard gave me a pass after I showed my resume. Medyo nagulat nga ako na hinayaan akong mag-walk in. I mean, aren't they getting flooded by applications here? Sikat na sikat ang Ducani dahil sa chain of hotels nila, car brand at iba pang negosyo gaya ng real estate business na sinimulan ng mismong ina ni Kahel. "Uhm, mawalang-galang na ho pero marami ho bang nag-apply?" hindi ko na natiis na tanong sa receptionist nang sabihing pwede na akong umakyat kaagad para sa interview. "Kaunti lang dito, Miss. Doon sa Ducani Empire ang laging puno." Ngumisi ito. "Only the bravest souls try their chances here." Napalunok ako. "B-Bakit ho?" Bago pa man siya nakasagot ay isang umiiyak na babae na ang nagmartsa palabas. Napasunod tuloy ako ng tingin sa babae. Nagtataka kung bakit parang aping-api itong lumayas. The elevator made a ding sound. Wala sa sarili akong napalingon sa direksyong iyon ngunit nang mamukhaan ko ang nakakunot ang noong lalakeng lumabas mula sa elevator ay halos tumalon palabas ng aking dibdib ang aking puso. I didn't mean to stare but seeing Kahel walk with confidence in his white button-down shirt and black slacks brought me back to the only memory of him that I have. Parang nag-init ang balat ko. My body remembered how he branded and owned every inch of me that night as if he was a wild beast who had no plans of letting me walk again. Nanuyo ang aking lalamunan at hindi ko rin nagawang kumurap kaya nang tumigil siya sa aking harapan ay lalong nalukot ang noo niya. Kahel scanned me from head to toe then sighed. "Len, didn't I tell you to never accept applicants who look like they'd strip the moment they see me? I'm done firing people. I only f**k those who I wouldn't see again." Napakurap ako. Huh? Aba, kupal pala 'to, ah? Ako? Maghububad sa harap niya oras na makita siya? Hoy! Lasing lang ako noong may nangyari sa amin! Parang napitik ang pasensya ko kaya kahit wala naman akong balak pantayan ang ugali niya ay humugot ako ng hininga't taas-noo siyang sinagot. "With all due respect, Mr. Herrera—" "Ducani-Herrera," pagtatama niya sa akin. "You didn't even do your research." Tumikhim ang receptionist. "Ayaw po ni Sir na hindi niya dala ang apelyido ng mommy niya." Marahan ko na lang na tinanguan ang receptionist bago ko muling sinalubong ang tingin ng bwisit na nagpa-fireworks ng sperm niya sa puson ko six years ago. "With all due respect, Mr. Ducani-Herrera, you're not as pleasing in my eyes as you assume." I faked a smirk. "I don't think my underwear will fall on its own for a man as arrogant as you." I swear I heard the receptionist gasp while Kahel slightly narrowed his eyes on me. Bigla kong napagtanto kung ano ang sinabi ko ngunit imbes na bawiin iyon ay ikinuyom ko na lamang ang mga kamao ko. Bahala na. Kahel's obsidian eyes glistened with something dangerous as he took his slow steps towards me until there was no more room between us. Pinigilan ko ang pag-atras ko nang ilapat niya ang kanyang hintuturo at hinlalaki sa aking baba. "Say that again. I find it sexy," he said in a seductive way as if he was testing me or something. Nilunok ko ang sarili kong laway habang nakikipagtitigan ako sa kanya. "I will never drool over you, Mr. Ducani-Herrera. Now if you will give me a minute—" "Len," putol niya sa aking sinasabi saka siya umayos ng tindig at ibinulsa ang kanyang palad. "Send her to the HR office. Give them a ring and tell them I already found my new executive assistant." Napakurap ako at ang mga labi ay umawang. "W-What?" He checked his wrist watch. "Fifty thousand as base pay on your first month. If you will survive, I'll double your base pay and shower you with benefits." He patted my shoulder. "Keep the attitude and I might triple it. See you tomorrow, sugar." Nakaawang ang mga labi na lamang akong napasunod ng tingin kay Kahel habang papalabas siya ng building. Nang tuluyan siyang nawala sa aking paningin ay saka lamang nag-sink in sa akin ang kinahinatnan ng pagpunta ko rito. I scoffed while shaking my head. Now who still needs to demand child support?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD