Kabanata 6

1696 Words
Eloisa Hirap pa rin akong humanap ng nanny para kay Noa. Paano ay iyong huling nakuha ko, inuuna palagi ang cellphone kaya muntik mapainom si Noa ng panis na fresh milk. I had to fire her and look for another, kaya lang wala yata talaga akong swerte ngayon sa paghahanap. "Kape tayo habang lunch break mo," yaya ko kay Jancy. Nasa Kelton kami ngayon dahil sinamahan ko si Kahel na kunin ang resulta ng medical tests niya. Looks like Ma'am Khalila wanted to make sure that her sons are free from any illnesses. May history kasi si Sir Kalyl ng cancer kaya paranoid si Ma'am Khalila. Hindi ko naman siya masisisi. Kahit ako ay matatakot din kung sakali. Humikab si Jancy. "I badly need caffeine. Straight ang duty ko ngayon." Sumama siya sa akin sa café sa ibaba. We grabbed ourselves some coffee and then sat on the farthest corner. "May chika pala ako. Hindi ko na nai-chat sa'yo kahapon at sobrang pagod na," aniya nang makahigop ng kape. I stirred mine. "Ano 'yon?" "Ang kuya mo, nakita ko kahapon sa Ayala. Looks like he's looking for a new job." Kumunot ang noo ko. "New job? Akala ko ba established na siya?" Nagkibit-balikat siya. "Iyon din ang alam ko pero noong nakita ko siya kahapon, parang nagmamakaawa siya roon sa kausap niya na huwag muna siyang singilin dahil naghahanap pa raw siya ng ibang work. Hindi ko na nga nilapitan dahil baka mahiya sa akin. Hindi mo pa rin ba sila nakakausap ng ate mo?" Umiling ako. "Hindi. Kapag nalaman ni Daddy na may communication kami, siguradong malalagot din sila. Ayaw ko nang dagdagan pa ang problema." Bumuntonghininga si Jancy. "Pero mga kapatid mo pa rin sila. Maiintindihan ko kung ang ate mo lang ang hindi kakausap sa'yo, pero si Eldritch? Close kayo, eh kaya medyo nag-expect ako na hinding-hindi ka niya matitiis." I pursed my lips. Sa totoo lang, nag-expect din naman ako kasi akala ko kahit isa man lang sa kanila, susubukang kumustahin man lang ako. Kung buhay pa ba ako o namatay na sa panganganak kay Noa kaya lang wala talaga silang paramdam. Gina-gaslight ko na lang ang sarili ko na baka itakwil din sila ni Daddy in case kausapin nila ako. "Susubukan ko na lang makibalita tungkol kay kuya," sabi ko na lang. Nagkwentuhan na lamang kami ng ibang bagay nang siguro ay nahalata niyang nalungkot ako sa pinag-uusapan namin. Hindi na rin naman kami nagtagal sa coffee shop dahil tinawagan na ako ni Kahel. "Kita nalang tayo sa off ko. Kiss Noa for me," bilin ni Jancy sa akin bago kami naghiwalay ng daan dahil hinihintay na ako ni Kahel sa parking lot. "Sir, aalis pala ako mamayang alas tres pero babalik ako kaagad bago pa matapos ang meeting ninyo nina Architect. Don't worry. Nasa office mo na 'yong bagong canvas na ipina-ship mo from Hong Kong. Nabilihan na rin kita ng new set of brushes na gusto mo," bungad ko kay Kahel nang makasakay na ako sa kotse. He glanced at me. "Where are you going?" "Susunduin ko si Noa. Wala na naman siyang yaya kaya kung pwede, isama ko muna sa office tuwing tapos ng klase." Umismid siya. "Are you seeking permission or you're just informing me?" I smirked. "Wala ka rin namang palag. Unless you want me to let your crazy fangirls in your office?" He groaned. "Hindi ko na alam kung pinasasahod kita para maging assistant ko o para i-blackmail ako." Nayayamot siyang bumuntonghininga. "Just make sure your kid won't be a pain in the ass." "He won't. Binili ko na siya ng art mats niya para mag-behave lang siya sa office ko tuwing nandoon siya." Tinaasan niya ako ng kilay. "Are you artistic o sa tatay nagmana?" Biglang bumilis ang t***k ng aking puso. s**t! His phone suddenly rang while he's waiting for my answer. Pasimple tuloy akong napabuga ng hangin nang naging abala na siya sa pakikipag-usap kay Sir Kali. "Yeah, my tests are clear. You can tell mom that she can breathe now," dinig kong sabi niya. They then proceeded to discussing the surf hub that they're planning to put up near their family's rest house. Ang alam ko ay malaki-laki ang property nila sa tabing dagat. Doon din yata sila madalas noong kabataan nila. Noong natapos ang tawag ay ibinigay niya sa akin ang phone niya. Alam ko na ang gagawin kaya binuksan ko na kaagad at nilinis ang messenger niya. I blocked all the girls who are sending him chats, including the ones he had already slept with. "Ang hilig sa kulot," wala sa sarili kong bulong habang nagbubura. I heard him scoff. "Why? Papakulot ka na rin?" Inirapan ko siya. "No need." Kulot naman talaga ako but I'm not interested in him. Sapat na ang pa-souvenir niya noon na mortal enemy na niya ngayon. Ibinalik ko ang phone sa kanya. "Not that I'm interested or something but I really wonder why you only sleep with curly girls." He smirked. "You wanna hear an honest answer?" "Of course, Sir." Kahel moistened his lower lip. "Wala lang." He made a swift turn on the next street. "My first crush had curly hair so . . ." Napataas ako ng kilay. "Please tell me you don't imagine her when you're doing the deed with someone?" Ngumisi lamang siya kaya napairap ako sa kawalan. I can't imagine that Noa was conceived because his Dad was imagining banging his crush while his d**k was inside me. Naging tahimik na ako sa buong byahe. Pagdating naman ng office ay umalis din ako kaagad dahil sinundo ko si Noa. "Mommy, mag-uuwi na tayo?" Noa asked while holding my hand. "Hindi pa, anak. Doon muna tayo sa office ni mommy." Ngumuso siya. "Mikikita na naman ang misungit na Sewr!" "Basta doon ka lang sa loob ng office ko, hindi mo siya makikita," pangungumbinsi ko saka na siya pinasakay sa taxi na naghintay sa amin nang hindi na ako mag-abang pa. Alam kong asar na asar si Noa kay Kahel kaya lang no choice kaming mag-ina. Ipinakita ko na lang kaagad kay Noa ang art mats na binili ko para manahimik siya sa opisina ko. "Dito ka lang, ha? Hahabol lang si mommy sa meeting," bilin ko nang maaliw na siya sa pagpipinta. "Opo!" sagot niya. Ni hindi na ako tiningnan dahil busy na sa ginagawa. Napangiti ako. One thing I noticed about Kahel and Noa is their focus when they're making art. Kahit magdadadakdak ako kay Kahel, basta kaharap niya ang cavas at hawak ang palette, wala siyang maiintindihan sa mga sinasabi ko. It's like he's getting lost in trance when he's letting out his artistic side. Ganoon din si Noa. Pareho rin silang maarte sa brush kaya iyong mahal ang binibili ko kay Noa. Lumabas ako ng opisina at humabol sa meeting. Kahel was slouching on his swivel chair when I went in. Ang isang siko ay nakakalso sa armrest ng silya niya habang ang panga ay nakasangkal sa nakakuyom na kamao. He doesn't look pleased with the design that's being presented. Kaya nang pumasok ako ay kaagad niya akong sinenyasan na maupo sa tabi niya. "What's wrong with the design?" he asked as soon as I occupied the seat next to him. Sandali kong pinagmasdan ang disenyo ng villa na para sa surf hub. "Parang . . . masyadong sarado." His lips curved a little. "Elaborate for them." Nilunok ko ang sarili kong laway saka ako umayos ng upo. "Waves offer surfers freedom. The villas should give the guests the same vibe. Maybe instead of using wooden walls, switch to glass so it can create an illusion that makes the guests feel that they're not caged." Kahel made a series of slow claps. "Bingo." He smirked. "I should really marry you." Pasimple ko siyang inirapan kaya lumawak ang ngisi niya. He then proceeded to discuss my thoughts into a broader, more technical version. Nang natapos ang meeting ay sabay kaming lumabas ng conference room. I went to my office to check on Noa while he walked straight to his office to probably get started with his new artwork. Kaya lang ay pagbukas ko ng pinto ay wala na si Noa sa loob. Kinabahan ako bigla dahil baka bumaba kaya lalabas sana ako para i-check ang elevator. Ngunit bago pa man ako nakahakbang patungo sa elevator ay bumukas na ang pinto ng opisina ni Kahel. My jaw nearly dropped to the floor when Noa ran as fast as he could while hugging the dirty paint brushes I just bought for Kahel. He was even giggling while there's paint on his cheek! Tumunog ang elevator at lumabas mula roon si Sir Kalyl. "Get back here!" gigil na sabi ni Kahel nang magtago sa likod ko ang tumatawang si Noa. Salubong ang mga kilay na pumagitna si Sir Kalyl. "What's going on?" Nayayamot na itinuro ni Kahel si Noa na nagtatago na ngayon sa likod ni Sir Kalyl. "He stole my paint brushes and drew on my new canvas!" Sir Kalyl lifted a brow. "Is that so?" Napalunok ako nang tapunan ako ni Sir Kalyl ng makahulugang tingin. Maya-maya ay binuhat niya si Noa saka sila pumasok sa opisina ni Kahel. Napasunod din tuloy ako. We went to Kahel's mini studio inside his office, only to see what Noa had painted on his father's new canvas. An undone image of a man with horns . . . Sir Kalyl tried to prevent himself from grinning. "Who's that man in your drawing, Noa?" Napaawang na lang ang mga labi ko nang ituro ni Noa si Kahel. "Si Tatanas po," aniya. Namula sa sobrang inis si Kahel. "Kung ako si Satanas, ikaw ang kanang kamay ko." "Weh? Indi naman ako hand, eh!" asar pabalik ni Noa sa ama. Oh my goodness. Kanoa! Saan ka ba nagmanang bata ka! Umalpas ang malutong na tawa ni Sir Kalyl saka niya tinapik ang balikat ni Kahel. "Kailan ka ba magmamana sa akin, hmm?" makahulugang tanong ni Sir Kalyl kay Kahel bago niya ako kinindatan. Nalunok ko na lamang ang sarili kong laway. Diyos ko. Walking DNA test machine yata ang lolo ng anak ko .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD