Linta." Ngumiti ako nang marinig ko ang malditang boses na 'yon ng mahal ko. Finally, tinawag niya na rin ako sa pangalan na 'yon. Matagal-tagal na rin na hindi ko narinig ang pagtawag niya sa akin ng gano'n. Pero ngayon, mukhang oras-oras ko ng maririnig dahil isa lang ang ibig sabihin no'n, nandito na siya at napatawad niya na ako. Hindi niya rin ako kayang tiisin. Mahal niya pa rin talaga ako. "Love…" tawag ko at hinanap ko agad siya. Pero laking gulat ko nang makitang mag- isa lang pala ako at wala siya. Sobrang tahimik at nagtataka ako dahil kulay puti ang loob ng kwarto na para bang nasa ospital ako. Nilibot ko agad ang tingin at tama nga ako. Nasa ospital nga ako ngayon. Teka! Anong ginagawa ko dito? Bakit ako narito? Gumalaw ako at naisip kong bumangon pero hindi ako makagala

