"I'm sorry…" Kunot noo akong humarap sa kanya dahil kanina pa siya nag-so-sorry sa akin. Hindi lang isa o dalawa kundi limang beses na. Nagtataka na ako dahil para bang ang laki ng kasalanan niya sa akin. E, samantalang ginusto ko naman ang nangyari sa amin. Gustong-gusto ko. Tumitig ako sa kanya at pinanliitan ko siya ng aking mga mata. "Kanina mo pa sinasabi 'yan. Bakit? May ibang babae ka na ba?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Tahimik siyang ngumiti sabay iling. Ayoko mang maramdaman ay kumirot ang puso ko nang sabihin ko iyon. Bwesit! Ito na nga ba ang sinasabi ko, e. Paano pala kung may babae na naman siya? Bakit hindi ko man lang 'yon naisip? Bakit nagpaubaya agad ako nang hindi ko man lang naisip na babaero pala siya dati. Gano'n na ba ako karupok sa kanya? Nakakainis! Bakit a

