"Oh, sino na naman iyang mina-murder ng mga mata mo?" Pukaw sa akin ng bes kong si Jhanna dahilan na matigil ako sa pagsunod ng tingin sa kakaalis lang na sina Harry at ng tatlong babaeng kasama niyang kumain dito sa canteen. Mula pa kaninang umaga ay badtrip na ako nang makita kong may kausap siyang dalawang babae na hindi ko alam kung kaibigan ba niya o mga girlfriend. Napakababaero din pala niya! Akala ko'y iba siya sa mga lalaki pero...katulad din pala siya ng mga iyon. Tapos ngayon, ibang babae na naman ang mga kasama at kangitian niya. At tatlo pa talaga! Wow, every hour dumadami. Nadadagdagan ng isa. Mas matindi pa pala siya dahil pinagsasabay-sabay niya. E, 'di wow! Siya na ang pinaka-gwapo sa campus na ito! Nakakainis dahil imbes na mainis at hayaan siya, hindi ko magawa. Gust

