Alas siyete ng umaga nang magising si Samantha, kaagad itong bumangon sa kanyang kama upang kumustahin si Alex na natutulog lamang sa kabilang kuwarto malapit sa kanyang tinutulugan. Ipipinid na sana nito ang pinto ngunit bigla na lang pumasok sa isip niya na baka maistorbo lang ito kung sakaling natutulog pa ito kaya nagdesisyon na lang muna siyang bumaba at pumunta sa kusina at nagluto ng agahan, isang pritong itlog at sinangag na kanin ang niluto niya para sa binata na sa tingin niya’y kasalukuyan pa ring natutulog dahil halos isang oras na ang nakakalipas ngunit hindi pa ito bumababa kaya naman naisip niyang iakyat na lamang ang pagkaing iniluto niya para kay Alex. Inilagay niya ang ito sa isang tray at may kasamang mainit na kape. Dahan-dahan niyang iniakyat ang inihandang pagkain

