Miyerkules ng umaga, maagang tinungo ni Samantha ang opisina dahil sa isang trabaho ng hindi niya natapos mula pa kagabi. Hindi niya kasama si Alex dahil hindi niya ito sinundo sa ganoong oras, madalas kasi silang nagkikita tuwing alas sais ng umaga upang pumasok sa trabaho ngunit nang araw na ‘yon ay tinawagan niya ang binata at ang sinabi lang nito ay hindi muna siya papasok sa trabaho dahil masakit ang kanyang ulo, gusto sana niyang puntahan ang binata sa bahay nito ngunit tumanggi ito dahil ayon sa kanya ay papasok din naman daw siya sa araw na ‘yon sa oras ng humupa ang sakit ng kanyang ulo. Ito ang unang pagkakataon na hindi kasama ni Samantha si Alex sa trabaho kaya naglakas loob itong magtaxi na lamang at bumiyahe mag-isa. Sa totoo lang sanay naman siyang magbiyahe noong una ngunit

