ONE LONG WEEK

2168 Words
Chapter 23 Mahigit isang linggo na ang nakakaraan pagkatapos ng mainit na tagpong iyon sa pagitan namin ni Lhexis, ngunit tila kahapon lamang nangyari ang lahat. Ilang araw na akong lutang ni hindi ako makapag concentrate sa trabaho ko. Minsan tulala pa ako at hindi makausap ng maayos. " Jillian!" untag ni Hazel sakin " s**t!" halos mabitawan kona ang hawak kong baso sa sobrang gulat ko "Ano bang problema mo at ilang araw kanang ganyan ah?" " Anong sinasabi mo diyan?" " Ko...kunwari kapa eh nasa outer space yang utak mo eh. Ano bang problema mo at mukhang kay lalim lalim niyang iniisip mo?" " Wala, kaya pwede ba tigilan mo yang pangungulit mo." umakto akong kunwaring naiinis. " Matagal na tayong magkaibigan, ako paba ang lolokohin mo? Lalaki ba?" " Ano? at saan mona naman napulot yang chismis na yan?" " So lalaki nga kasi hindi mo masagit yong tanong ko." " No! at mali ka ng iniisip ok?" " Ok sabi mo eh." Tinitigan niya ako ng makahulugan. Alam kong hindi ito kumbinsido sa sagot ko, pero hindi kona lamang pinasin ang tila nag eeksamin nitong mga titig. Hindi pa ako handa at saka hindi ko pa alam kung ano itong pinasok ko. Baka mabatukan pa niya ako ng wala sa oras kapag nalaman niya ang mga pinag gagagawa kong kalokohan nitong mga nakaraang araw. " Maiba nga pala ako, kumusta na kayo ni Aldrick?" nakangiti nitong sabi "Ok lang naman. Tinatawagan niya ako paminsan minsan at kinakamusta." walang gana kong sabi " Yon lang?" umarko pa ang kilay nito sa pagka dismaya " Oo bakit ano pa ba sa tingin mo?" " Hindi kapa ba niya nililigawan?" pangungulit nito " Ano? ligaw agad, eh mahigit isang linggo palang kaming magkakilala ah." " Gaga, ano bang gusto mo, knowing each other pa muna kayo ng isang taon bago ka niya ligawan? Hoy! loka loka ka, hindi na uso ngayon yan sa henerasyon natin ngayon noh, lahat mabilisan na. Kung gusto mo ng ganyang sistema, abay puputi na yang buhok mo sa kilikili sa kakahintay." " Gusto niya lang makipag kaibigan sakin at sa tingin ko hanggang don lang yon. Ikaw narin naman ang nagsabi diba, iba na ang henerasyon natin ngayon lahat dinadaan na sa mabilisan, kung type ako non baka nag "da moves" na yon pero tingnan mo wala diba, so ibig sabihin wala, hindi siya attracted sakin." " So ganon nalang yon, wala ka manlang gagawin para ma attract sayo yong tao?" "Gaga!, anong gusto mo pikutin ko yon?" " Bakit hindi? Jillian his a big catch! Ano palalagpasin mo nalang?" " Alam mong hindi ako ganyang klase ng babae." " O sige pairalin mopa yang prisipyo mo at tatanda kang dalaga dahil diyan. Mamamatay kang hindi nakakatikim ng hagupit ni adan!" bigla akong nasamid ng marinig ko ang huli nitong sinabi. Sa haba ng sermon nito parang yon lang yata ang tumatak sa utak ko. " Yang bibig mo lagyan mo naman ng preno, kung saan saan na napupunta ang usapan eh. Alam mo mabuti pa uminom nalang tayo keysa dadak ka dyan ng dadak." " O sige, basta wag mokong sisisihin kapag pumuti na yang buhok mo at nag menopause kana at hindi kaparin nakakatikim ng s*x ok?" Napailing nalang ako sa sobrang bulgar nitong magsalita. Kung alam lang niya baka kainin niya ang lahat ng sinabi niya sakin. Pero hindi, wala munang dapat makaalam ng tungkol samin ni Lhexis. Teka, sa amin? Ano ngabang meron kami? Kahit ako hindi ko kayang ipaliwanag kung anong meron kami. Yeah we had s*x already, pero ano ba kami, friends? o friends with benefits! hell no way! pero parang ganon narin kami. damn thoughts! ***************** Kinabukasan maaga akong pumasok sa opisina. Wala pa si sir Steven ng dumating ako, kaya naghanap na muna ako ng ibang mapag kakaabalahan. Inayos ko ang mga folders sa ibabaw ng mesa ni sir Steven pati narin ang ibang mga papeles na pipirmahan niya. Naglinis narin ako ng kaunti. Maya maya lang ay dumating na ito. " Good morning sir..." bati ko " Good morning. Teka bakit ang aga mo naman yata ngayon? At saka bakit ikaw ang gumagawa niyan eh may janitor naman tayo." " Naku sir ok lang po kunting exercise lang naman to para naman makapag unat unat ako ng kaunti bago umupo dito sa table ko." sabi ko. " Ok." " Mag coffee po muna kayo sir" " Thanks." " Sige po balik napo ako sa table ko." Nakakailang hakbang palamang ako ng tawagin ako ni sir Steven na agad ko namang ikinalingon dito. " Hey Jillian, why don't you join me for coffee tutal maaga pa naman." yayah nito " Naku sir hindi na po nagkape napo ako kanina sa bahay" nahihiya kong sabi " I also did, pero wala naman sigurong masama kung ulitin natin diba? C' mon maupo kana rito." pinaghila pa niya ako ng upuan sa tabi niya kaya di narin ako nakatanggi. Habang nagkakape kami hindi ko maiwasang ma conscious sa kanya kaya panay ang yuko ko at titig sa tasa ng kape ko. " Matagal na tayong magkasama rito, hanggang ngayon nahihiya ka parin sakin?" " Hindi naman po." " Ouch! may sir na may po pa. Pakiramdam ko tuloy parang ang tanda tanda ko na." natatawa nitong sabi. Napangiti ako at hindi napigilang mapatitg sa kanya. Kahit papano marunong din pala siyang magbiro o baka sadyang masaya lang ito ngayon. " See, its good to smile early in the morning while having coffee, nakakagaan ng pakiramdam diba. at saka mas bagay sayong nakangiti ng ganyan." sabi nito " Hay, ang tagal narin ng huli akong umupo ng ganito at nagkape ng may kasama sa umaga." dagdag nito " Pareho lang po tayo sir, sa sobrabg hectic ba naman po ng schedule natin." " Yeah, your right, pero malapit na akong magkaroon ng katuwang sa pagpapalago nitong kompanya. And when it happens alam kong hindi na ako mahihirapan pa ng husto." " Katuwang ho, mag aasawa na po ba kayo? hindi ko napigilang itnanong " Oh, I forgot hindi ko pala nasasabi sayo. We need to prepare next week for the announcement." " Anong tungkol sa announcement?" " Tito Marcus will be here next week, to formally introduce Lhexis entry to the company, kailangan nating maghanda. There will be an event next week kaya kailangan nating magset ng appointment sa isang event organizer. Pwede bang samahan moko mamaya?" " Yes sir no problem." Pagkatapos naming magkape ay agad na akong bumalik sa table ko upang simulan na ang pag eencode ng mga documents na hinihingi ni sir Steven sakin. Pero hindi parin talaga mawala wala sa isip ko yong sinabi nito sakin kanina. "Lhexis formal entry in the company" naguguluhan ako, saang kompanya kaya yon? Impossible namang dito diba? Imposible, at hindi rin maari. I can't work with him in the same environment, baka masiraan na ako ng bait pag nagkataon. Ngayon pa nga lang na hindi kami laging nagkikita ang dami ng kababalaghang nangyayari, what more if we see each other almost every day. "No, it can't be!" After lunch time ay pumunta na kami ni sir Steven sa isang event organizer. Akala ko isang simpleng event lang ang magaganap pero sa tingin ko magiging espesyal ang araw na iyon. Parang may paparty pa yatang mangyayari pag nagkataon, lalo tuloy akong kinabahan. Ang daming what ifs sa utak ko pero takot akong makumpirma ang hinala ko. Kinahapunan sabay na kaming umuwi ni Hazel, sakto kasing maaga akong pinauwi ni sir Steven para makapag pahinga narin sa sobrang dami ng inasikaso namin para sa company event next week. " Have you heard the news?" panimula ni Hazel " About what?" " Ano kaba naman Jillian, kalat na kalat na sa office yong balita tungkol sa pagti turnover ng president ng kompanya ng kanyang posisyon sa kanyang nag iisang anak, hindi mo paba nababalitaan?" " Busy kami ni sir Steven kanina sa para sa preparation ng company event natin next week." " Exactly! sabi sa rumor, The Dezeños will be introducing a new CEO, and take note, ito lang naman daw yong nag iisang anak ni sir Marcus." " Kilala mo ba kung sino yong anak ng presidente?" " Nope, but I've already heard so much about him. Sabi nila gwapo daw yun at certified heart throb. Sabi din nila nag aral siya sa states at doon nagtapos ng business management and masteral degree. At dinig ko pa single paraw yon, kaya lang playboy at happy go lucky guy. In short, walang planong magseryoso sa buhay, patikim tikim lang muna kung baga. Hays! mayayaman talaga ginagawang perfect expirement ang buhay. " " Baka naman rumors lang yon." sabi ko " I don't think so, alam mo bang sa mga dakilang chismosa sa department namin nanggaling ang chismis na iyon. Maybe there are edited part, pero syempre meron ding totoo. At saka present ang lahat ng board member at mga major stock holders ng kompanya for that event next week. Pag nagkataon hindi nalang si sir Steven ang magpapa presko sa amoy ng building natin meron ng dalawang gwapong pag aagawan ang mga co workers natin." saad pa nito " Ewan ko sayo." Halos alas 6:00 na ng gabi bago ako nakauwi ng bahay. Kahit gabi nay panay parin ang pag iisip ko sa mga sinabi ni Hazel sakin kaninang magkasama pa kami. Pagod nanga ang utak ko sa kakaisip pero ayaw parin niyang tumigil sa kakatanong, lalo tuloy akong nakakaramdam ng stress. Bkit koba kasi ini stress ang sarili ko sa nga bagay na ako lang naman ang nagbibigay ng kahulugan! It's not him, hindi naman siguro siya ganun ka yaman para maging anak ng CEO noh. Alam ko may pera siya pero, kung anak siya ng CEO bakit niya naman ako papatulan? Pwera nalang kung may deperensya sa mata o pag iisip! Hay makatulog nanga, tama na 'to! Malalim na ang gabi pero ayaw parin akong dalawin ng antok. Ayaw talagang mapakali ng utak ko. Lalo pat biglang sumingit sa utak ko yong nangyari samin ni Lhexis noong isang linggo. "Tingnan mo nga yong gagong yon, bigla bigla susulpot tapos bigla ring hindi na magpaparamdam! Ginawa pa yata akong parausan! Anong tingin niya sakin parang free taste na pagkain sa market! Nakakainis! Next time na magpakita sakin yon iiwasan kona talaga siya. Hindi nato maganda nakakadalawa na siya sakin!" Maya maya pay biglang nag vibrate ang cellphone ko, unregistered number yon kaya nagtatalo ang isip ko kung sasagutin ko ba o hindi. Pero sa huli ay hinayaan kona lang baka kasi wrong dialled lang o kaya namay mga manloloko, hanggang sa kusa ng huminto yong tawag. Pero ilang sandali lang ay tumunog na naman ito sa parehong numero parin. Natakot akong sagutin kaya pinatay kona lamang ang cellphone ko. Kung sino kamang damuho ka, wag ako ang kulitin mo ok! Fuck! did she really reject my call? naiinis nitong binagsak ang cellphone sa mesa. " Oh, baka masira yan, kawawa naman yang cellphone mo. Sino na naman yang kaaway mo at mukhang badtrip kana naman dyan ha?" tukso ni Steven sa pinsan. Hindi na siya kumibo pa at inisang lagok nalamang ang whiskey na nasa kanyang baso. " O teka, hindi tubig yan." pagtuloy nitong tukso " Spare me Steven, pwede ba?" " Hey, cool down bro relax hindi ako ang kaaway mo dito ok?" natatawa nitong sabi Nailing na lamang siya sa sarili. Bakit ngaba ang bilis na yatang mag init ng ulo niya lately. Hindi naman siya dating ganito. Naiinis talaga siya ng husto na ni hindi manlang niya nakita o ni marinig manlang ang boses ng babae. Ang masaklap pinatayan pa siya nito ng cellphone. Namimis na niya ito ng sobra pero hindi siya magkaroon ng bakanteng oras para puntahan ang babae, sa sobrang hectic ng schedule niya. He has to undergo trainings and seminar s, kailangan niyang maging handa bago maupo sa kanyang posisyon as a new CEO.Ang dami niyang dapat isaalang alang, kaya mas nag focus muna siya. Anyway ilang araw lang naman yon pagkatapos nito halos araw araw narin naman niya itong makakasama. " I'm sorry." hingi nito ng paumanhin sa pinsan " Its ok, ano pabang magagawa ko eh, madalas na kitang makakasama sa office, I'm sure higit pa dyan ang sasaluhin kung init ng ulo mo someday." " Of course not! Naiinis lang talaga ako." " Kanino, sa girlfriend mo?" " She rejected my call." naiinis kong sabi " She did that to you? Talaga? Aba ang lakas pala ng loob niyang girlfriend mo ah. Grabe nagawa talaga niya yun sayo?" nangingiti nitong sabi kay Lhexis. " Stop that pwede ba!" " Oh teka, mainit nanaman yang ulo mo nagbibiro lang ako." itinaas nito ang kanyang kamay tanda ng pagsuko. " Baka naman kasi may misunderstanding kayo." " Wala. but she doesn't recognize my number I think." " Wait I don't understand. Hindi kanaman nagpalit ng number diba?" " Yeah but I forgot to personally give my number to her." " Nakalimutan moba talaga o hindi mo lang talaga ibinigay, so she can't trace you?." " No. Nakalimutan ko lang talaga." " Thats maybe the reason why she rejected your call." Napaisip ako, Steven has a point pero naiinis lang talaga ako kasi ni hindi ko manlang narinig ang boses nito kahit manlang over the phone. I miss her a lot! Damn! **********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD