Chapter 57 Dala ng kalasingan at matinding pagod ay dinaig na si Jillian ng antok matapos ang mainit na tagpong iyon sa kanila ni Lhexis. Napasarap siya ng tulog at tinanghali narin ng gising. Nagulat pa siya ng magising kasama si Lhexis sa kama habang yakap yakap siya, suot ang isang long sleeves na sa tantiya niyay pagmamay ari nito. Kaya naman dali dali siyang bumangon at hinanap ang damit na suot suot niya kagabi. Pagkatapos ay isinilid ang mga iyon sa kanyang bag. Sinamantala niya ang pagkakataong mahimbing pa itong natutulog. Dahan dahan niyang pinihit ang pinto saka naglakad palabas ng nakayapak lang upang hindi makalikha ng kahit kauting ingay. Nang sa wakas ay maisara na niyang muli ang pinto ng kwarto ay mabilis na siyang kumilos at nilisan ang lugar. Mabuti nalamang at mabili

