JEALOUS

2178 Words
Chapter 18 Naging napakasaya ng gabi para sa lahat. Pagkatapos ng announcement ay agad na umalingawngaw ang malakas na tugtugan sa buong paligid. Naiwan si Lhexis at Steven ng makaalis na ang kanyang mga magulang, upang makihalubilo sa mga kaibigan nito. Kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Steven na kulitin ang pinsan. " Am I missing to much about you?" makahulugang tanong ni Steven kay Lhexis " What do you mean?" pagmamaang maangan ni Lhexis sa pinsan " Oh c'mon dude, you know exactly what I'm talking about. Who's that someone?" Ibinaba ni Lhexis ang wine glass at bumuntong hininga ng malalim. " Hey, why is it so deep? May problema ba?" takang tanong nito " Its nothing." matipid nitong sabi?" " Are you ok?" " Yeah." halos pabulong nitong sabi " But it doesn't seems like you are." nagaalalang sabi ni Steven " And who's this lucky girl anyway? I think I need to see her and congratulate her dahil mukhang siya ang kauna unahang babaeng nagpakunot niyang noo mo." biro nito kay Lhexis " Siraulo ka!" seryoso nitong turan " Hey, cool down dude, I'm just kidding. Masyado ka kasing seryoso dyan pinapatawa lang kita. Kelan mo ba kasi ako ipapakilala dyan sa bagong biktima mo, este sa bagong girlfriend mo? Dati rati naman ikinukwento mo sakin lahat ng kalokohan mo." " She's not one of my nonsense stuff." Napahinto si Steven sa pag inom ng alak at pinakatitigan si Lhexis. " Oh c'mon Lhexis, I know you. Wala sa bukabularyo mo ang mag seryoso sa babae. You must be kidding me." " Yun din ang akala ko non. But when I met this girl, everything has changed. This girl, really makes me out of my mind. Sanay akong nakukuha ang lahat ng babaeng gusto ko in a click, but this one is different. " " Woow...mukhang nakita mo na rin sa wakas ang katapat mo.But the real thing is, handa kana bang ibaba ang bandera ng pagka playboy mo para pumasok sa isang seryosong relasyon? Baka naman nabibigla kalang o baka na chachallenge kalang sa isang 'to dahil iba siya sa mga babaeng nakilala muna. Masyado pang maaga para sabihin nating mahal mo na siya, come to think about it bro. Ikaw narin ang nagsabi sakin non, ienjoy mo muna ng husto yang pagka binata mo. And now, your saying your crazy about that woman. Nasaan na ang sinabi mo sakin just a year ago, na hindi pa ipinapanganak ang babaeng bibihag sa isang Brenth Lhexis Villazandre? And I know you Lhexis, you love playing things around. Isa pa, 26 kapa lang magreretire kana agad sa pagiging playboy at sa pagiging happy go lucky guy? C' mon I dont think you can. Maybe soon but not this early I think." Natahimik si Lhexis, inisip niyang mabuti ang mga sinabi ng pinsan. Oo ngat alam niya sa sarili niyang unti unti ng nahuhulog ang loob niya sa babae ngunit papaano kung temporary ngalang ang nararamdaman niya para rito. Naging napaka bilis ng mga pangyayari at ngayon lamang siya papasok sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Kaya ngaba niyang magpatali sa isang seryosong relasyon? All his life ginagawa niya lang laro ang lahat lalo na pagdating sa babae and suddenly, magdedecide siyang pumasok sa isang bagay na ayaw na ayaw niya noon. " Im not here to discourage you, I just want you to take your time and think about it. Entering a serious relationship is a commitment, ikaw paman din yong pinaka kilala kong tao na takot na takot sa salitang " commitment." ( AT THE BAR ) Halos alas dose na ng hating gabi pero tuloy parin ang kasiyahan nilang apat. Lalo na si Hazel at si Mark na hindi halos mapaghiwalay, dahil sa mayat maya nitong pag alis upang sumayaw. Kaya naman laging naiiwan sina Aldrick at Jillian ng sila lang. " Need a drinks?" agad nitong tanong ng maupo sila sa kanilang table. " Yes please..." " Here." " Thanks." " Hi pogi, I'm Charmaine, pwede ba kitang yayaing sumayaw." Napatingin ako sa babaeng biglang lumapit kay Aldrick para yayain itong sumayaw. Nagpatay malisya nalamang ako na para bang wala ako sa tabi niya. "Go ahead Aldrick, its ok.go!" sabi ko sabay ngiti sa kanya. " Pero--- "Thank you Miss ha, let's go." ani ng babae Nag thumbs up nalang ako sa kanila pero kita ko ang pagkunot ng noo nito habang hatak hatak ito ng babae sa dance floor. Pagod narin kasi ako at hindi ko na kayang sumayaw kaya ipinaubaya ko nalang ito don sa babae kasi halata namang may crush ito sa kanya. Kahit kasi magkasama kami ay panay ang pagpapapansin nito kay Aldrick. Maya mayay napansin ko ang kaibigan kong si Hazel na lumapit sa table namin ng naka pameywang sakin. " Oh, andyan kana pala, asan si Mark bat dimo kasama?" " Nandon may nakitang kakilala susunod narin yon dito mayamaya." "Ok." Napansin ko ang pag asim ng mukha nito sakin habang nakaupo sa harapan ko. " Sira ulo ka!" " What." " Nagmamaang maangan kapa dyan." " Ikaw yong date ni Aldrick hindi yong babaeng haliparot na yon pero hinayaan mo lang matuklaw ng iba." " Date? Anong date ang pinagsasabi mo dyan?Inientertain ko lang yong tao at sinamahan sa pagsayaw date na agad!" " Gaga! Ano kaba naman Jillian, alam mo bang kinumbinsi ko pa talaga ng husto yan para lang may ka date ka ngayong gabi, tapos pinaubaya mo lang sa iba." " Yan na nga bang sinasabi ko eh. You've set me up to him for a date? Hazel hindi niyo naman kailangang gawin yon eh. I don't need a date." " Sorry, gusto lang naman kasi kitang makitang masaya eh." " Masaya naman ako ah, at saka diba sabi ko sayo out muna ako dyan sa mga bagay na yan?" " Lagi mo nalang sinasabing ok ka kahit ang totoo hindi naman. Bakit ba ayaw mong sukuan yang si sir Steven na yan. Hanggang ngayon ba siya parin ang gusto mo, kaya ayaw mong buksan yang puso mo sa iba?" " Naka move on na ako sa kanya. Pero hindi ibig sabihin non gusto konang magmahal ulit ok?" " So, isasarado mo nalang yang puso mo ganon. At anong balak mo, magmamadre kanalang ganern?" " Basta ayaw ko pa ok, tapos! Wag mo na akong kulitin ang mabuti pa ay uminom nalang tayo." " Ewan ko sayo ang tigas niyang ulo mo. Pag yang si Aldrick natipuhan niyang babaeng higad na yan baka magsisi ka." " Anong gusto mo pikutin ko yan para kami na agad?" " I'm not saying that! Ang sakin lang naman sa hindi mo man lang hinayaang makuha ng iba yong grasyang nakahain na para sayo oh. Di hamak naman na mas bagay kayo kayo kaysa sa babaeng yan na mukhang libagin!" " Hoy sobra kanaman, uminom na ngalang tayo ang hi blood mo girl. May lovelife kanaman, pero ang bitter mo." " Pero seryoso, ayaw mo talaga dyan kay Aldrick, gwapo naman yan ah, at saka alam mo ba pag yan napangasawa mo tibatiba ka dyan mayaman din yan. Hindi mo ba talaga type?" pangungulit ni Hazel sa kaibigan. " Tingnan moto ginawa pa akong gold digger." " Hindi naman sa ganon. Gusto ko lang naman i secure ang future nating dalawa. Kasi pag kayo nagkatuluyan, syempre pareho tayong magiging Misis Alvarez at pwede pa tayong mag double wedding right?" " Ano? grabe kanaman ang haba haba na ng nilakbay niyang utak mo. Maghunus dili kanga dyan." " Kooooh....kunwari kapa dyan diba ok naman yong naisip ko." Lumalim na ng lumalim ang usapan namin ni Hazel kaya ako ang gumawa ng paraan para maputol iyon. Mabuti nalang at ilang sandali lamang ay dumating na si Mark at Aldrick sa table namin kaya tuluyan na talaga nitong isinara ang topic na yon. Pagpatak ng alas dos ng madaling araw, nagpasya na kaming umuwi na. At dahil may dala rin namang kotse si Aldrick ay sa kanya nalamang ako pinasabay nina Hazel. Wala narin naman akong nagawa dahil mukhang planado nanga ng mga ito ang lahat, kung kayat hindi nalamang ako sumalungat pa. " Ok kalang ba?" tanong nito sakin habang nasa byahe kami " Yeah, of course. Pasensya kana mukhang maaabala kapa" sabi ko " Ano ka ba wala yon. At saka on the way naman eh." " Salamat parin." matipid kong sabi " Nag enjoy ka ba?" anito " Oo naman." " Would you mind if I ask you something?" " Ano yon?" " After this, pwede ba tayong magkita ulit?" " B---Bakit naman hindi kung may pagkakataon diba?" Ngumiti ito sakin na siyang ikinahiya ko. Agad kong binawi ang mga mata ko at baka mapako nanaman ang mga ito sa magaganda nitong mga labi. Maya maya lamang ay narating na namin ang apartment ko. Inalalayan ako nito sa pagbaba. Dahil medyo nahihilo narin akoy napakapit ako sa mga braso nito. " Salamat sa paghatid ha." " Maraming beses kanang nagpapasalamat sakin baka hindi kana makaulit niyan." biro nito " Basta salamat talaga. Pasensya kana hindi na kita maaanyayahan sa loob ha, gabi narin kasi." " Yeah, I understand. Kailangan mo na ring magpahinga. So pano, I'll go ahead. Sa gulat ko ay lumapit ito sakin at nag beso bago tuluyang umalis. Kumaway ito pero naiwan parin akong tulala. " Hoy, tanga! beso lang yon, ang oa mo!" Tampal ko sa sarili. Papasok na sana ako sa loob ng may matanaw akong isang pamilyar na kotse sa di kalayuan." Parang kilala ko yong kotseng yon ah. No, ano naman ang gagawin non dito ng ganitong oras? Hay naku Jillian magtigil kanga, guni guni mo lang yan." Pumasok nalamang ako at hindi na pinansin pa ang nakita kong iyon. Inakala kong baka lasing lang ako kayat kong anu ano ng naiisip kot nakikita. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay agad kong ipinahinga ang pagod kong katawan sa kama. Hanggang sa tuluyan ng hatakin ng antok ang aking mga mata. ( LHEXIS POINT OF VIEW ) Matapos ang kanilang usapan ng kanyang pinsang si Steven ay napagpasyahan na nitong umuwi sa kanyang condo upang magpahinga. Habang nasa loob ito ng kanyang kwarto ay hindi nito maiwasan ang paulit ulit na isipin ang sinabi ng kanyang pinsang si Steven sa kanya. Pinilit niyang ipikit ang mga mata ngunit ayaw talaga siyang dalawin ng antok. Marahil dahil sa sobrang pag iisip sa maraming bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Sa kalagitnaan ng kanyang malalim na pag iisip ay bigla nalamang niyang napagpasyahang umalis at puntahan si Jillian. Ewan ba niya sa sarili, pero ramdam niya ang sobrang pagka miss dito, lalo pat ilang araw na niya itong hindi nakikita. Gusto niya sana itong surpresahin. Wala siyang pakialam sa kung anong oras na, basta ang alam niya lang sa sarili ay gusto niya itong makita. Halos maghahating gabi na ng dumating siya sa apartment nito. Excited siyang kumatok ngunit walang Jillian ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Tiningnan niya ang kanyang pambisig na relo, ang sabi doon alas 11:30 na ng gabi. Mayamayay napansin niyang may nakakabit na kandado sa main door ng apartment nito. Agad kumulo ang dugo niya ng mapagtantong wala nga ito sa loob ng kanyang apartment. Gustuhin man niyang tawagan ito ay hindi rin niya magawa dahil wala siyang number nito. Kaya wala siyang ibang choice kundi ang hintayin nalamang ito. Pagkatapos ng halos isang oras na paghihintay ay nainip siya at pumasok nalamang sa kanyang kotse upang umaalis na lamang. Ngunit agad din naman nagbago ang isip niya. Ayaw niyang umalis ng hindi ito nakikita. " s**t! Damn it! Jillian nasan kaba? I can't just wait here, but I don't know where the f**k you are!" naikuyom niya ang kanyang kanang kamao sa sobrang inis. Pagpatak ng 2:30 ng madaling araw sa wakas ay dumating nanga ang taong pinanabikan niya ng hustong makita. Bababa na sana siya ng kotse ng biglang mahagip ng kanyang mga mata ang lalaking kasama nito. Napawi bigla ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Ang kaninang sobrang excitement na kanyang naramdaman ay napalitan ng galit at puot sa kanyang dibdib. Lalo na ng makita nito ang paghalik ng lalaki sa pisngi ng babae. Nagtagis ang kanyang mga bagang. Nais niyang bumaba at paulanan ng suntok ang mukha ng binatang kasabay nito, hanggang sa tuluyan niya ng mabasag ang mukha nito. Mabuti nalamang at umalis din ito agad. Pagkaalis ng kasama nitoy nakita niya si Jillian na nakatingin sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan. Imbes na bumaba ay hindi nalamang niya ginawa. Masyadong mainit ang ulo niya sa mga oras na iyon at ayaw niyang baka ito pa ang kanyang mapagbuntunan ng kanyang galit kaya minabuti na lamang niyang tingnan nalamang ito hanggang sa tuluyan na itong makapasok ng kanyang bahay. Ramdam niya ang sobrang sakit sa loob ng puso niya. Yong sakit na parang unti unting pinapatay ang puso niya. Pakiramdam niya ay nilalamon nito ang buong sistema niya. Buong buhay niya ay ngayon lamang niya naramdaman ang ganito. Alam niyang wala siyang karapatan sa babae ngunit para sa kanya itoy kanya lamang at hindi dapat pinapakialaman pa ng iba. Ni ang dulo ng daliri nitoy ayaw niyang hinahawakan pa ng ibang lalaki. " This will be the last time that I will saw with another guy Jillian. You're just mine, and you will only be mine... I swear it." naisaloob niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD