Chapter 47 Kinabukasan maagang umalis si Jillian ng kanyang bahay. Isang oras bago ang kanyang time in ay gusto niyang naroon na siya sa labas ng kanilang opisina. Hindi upang pumasok ng maaga, kundi para abangan ang pagdating ng nobyo. Namis niya ito kaya gusto niya itong makita. Sapat na para sa kanya ang masulyapan lamang ito kahit sandali lang. " Nasan na kaya yun, Lhexis please dumating kana." umupo siya sa bench malapit sa may parking lot kung saan tanaw niya ang lahat ng papasok na empleyado sa may main entrance. Halos kalahating oras na siyang naroon at naghihintay sa pagdating ng binata ngunit ni anino nito ay hindi niya mahagilap. Palamig narin at paubos ang kanyang kape. Tiningnan niya ang kanyang pambisig niyang relo, at ayun doon ilang minuto nalang kailangan na niyang pumas

