Chapter 46 Halos mag gagabi na ng matapos sina Jillian at Hazel sa paghahanda ng lahat. Eksakto naman sa pagdating nina Mark at kanyang mga kaibigan, maging ng iba pang mga piling bisita at ng kani kanilang mga magulang. " Congratulations to both of you hija, hijo masaya kaming makitang hanggang ngayon ay matatag parin ang relasyon ninyong dalawa. ani ng ina ni Mark " Of course, mana yata sa akin sa pagiging faithful itong anak mo diba hijo? ."sabad naman ng kanyang ama " Well, that's the best legacy I have from you dad. And, kanino paba naman ako magmamana." ani naman ni Mark sa ama " That's right balae, kaya nga botong boto kami dito kay Mark para sa anak namin e, ni minsan hindi ko narinig na binigyan nito ng sakit ng ulo itong anak namin. Ang pinagtataka ko lang naman sa dalawang

