THE PAINFUL TRUTH

2240 Words
Chapter 29 Maaga palang ay gising na si Jillian. Hindi paman tumutunog ang kanyang alarm clock ay bumangon na ito at maagang naghanda ng kanyang mga kakailangin sa pagpasok sa opisina.Halos kalahating oras din ang ginugol niya para lang sa pag inom ng isang tasang kape. Sino ba naman ang hindi, kung sa bawat higup niya ng kape ay sang katerbang isipin naman ang tila nagrarambolan sa kanyang utak. Parang ito na nga yata ang magiging bagong routine niya araw araw, ang paulit ulit na guluhin ang isip niya sa kakaisip ng paraan kung paano iiwasan ang binata. Ayaw niyang tuluyang mabihag ng binata ang kanyang puso, takot siyang sumugal para sa bagong pag ibig, dahil alam niyang ang bawat pagsugal sa pag ibig ay may kaakibat na sakit. Alam niyang walang nagmahal na hindi nasaktan. At dahil minsan na niyang naranasan ang masaktan ng labis, kaya gayun nalamang ang kanyang pag iingat sa kanyang puso. Dasal niya lagi na sanay wag ng maulit ang sakit na kanyang naramdaman noon kay Steven. Ngunit paano niya iiwasan ang binata kung tadhana na mismo ang naglalapit ng husto sa kanilang dalawa. Ang mga ganitong alalahanin ang patuloy na bumabagabag sa kanyang payapa sanang isipan. "Diyos ko ilayo niyo po ako sa tukso, parang awa niyo na isaksak niyo sa kukuteng ito kung anong dapat kung gawin." aniya sa sarili ********************* Isang oras bago ang kanyang time in ay nasa building na si Jillian ng kanilang opisina. Halos wala pang ibang tao sa paligid, maliban sa nagbabantay na guard sa main entrance. Kaya naman naisip niyang dumaan muna sandali sa coffee shop at magkape, upang maibsan ang kabang kanyang naramdaman sa mga sandaling iyon. Ewan ba niya sa sarili, pero bigla nalang dinumog ng kakaibang kaba ang kanyang dibdib pagkadating na pagkadating niya sa kanilang opisina. " Bahala na, kaya mo yan Jillian!!!" sambit niya sa sarili. Pagkatapos niyon ay isang ubod ng lalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan, habang nakapikit ang kanyang mga mata na tila humuhugot ng lakas ng loob sa kalaliman. Pagkalabas niya ng coffee shop ay didiretso na sya sa kanilang office. Sasakay na sana siya sa elevator ng bumungad sa kanyang harapan ang gwapong mukha ng lalaking nasa loob ng lift. Natulala syang bigla at halos tumigil ang pag ikot buong mundo sa kanyang paligid ng kanyang mapagtanto kung sino ang lalaking ito. Si Lhexis, sa dinami dami ng taong pwede niyang makasalubong at makasabay sa loob ng elevator, ito pa talaga. Kung sino pa yong taong pilit niyang iniiwasan, ito pa talaga ang una niyang makikita at makasalubong ng ganito ka aga. " Hay kung sususwertehin kanga naman" He's perfect shape kissable lips slightly parted as he welcomes her with a smile. She then saw again his killer smile with his perfect set of teeth and red moist lips. She even smell his signature manly scent. Napakabango nito. Iyong amoy na sobrang nakakahalina. Iyong amoy na nakaka addict at hahanap hanapin mo. Who will want to missed out this beautiful morning view infront of her. His looks screams for every womans attentions. Infact, napakagwapo nitong tingnan kahit saang anggulo. Kahit sinong babae hindi basta bastang maaalis ang kanyang mga mata mula sa pagkakatitig rito. This man doesn't just look good, he looks absolutely perfect!!! Kaya sino ba siya para tanggihan ang kanyang sariling mga matang tingnan ang ganito kagandang nilalang. "Damn it!" "Go... good morning sir" nauutal utal na sambit ni Jillian dito. " Good morning babe" walang kagatul gatul na tugon ng binata, na sinabayan pa ng mapang akit nitong mga ngiti. His simple gestures almost melts her. But she needs to ignore it. Kung kailangan niyang magkonwaring balewala lang ang presensya nito ay gagawin niya, wag lang maapektohan ang trabaho niya. She needs to be professional. Hindi lamang sa harap nito kundi maging sa harap ng mga kapwa niya employees. Her heart almost jump when their eyes meets together. Pero pinilit parin ni Jillian na i compost ang sarili at ipikit nalamang ang mga mata at ibaling sa iba ang kanyang atensyon. Its really hard to resist him, but this has to stop. Hindi madali pero pipilitin niya ang sariling balewalain ang presensya ng binata. Kahit ito ay mangangahulugan ng pagsupil niya sa sariling damdamin. Pagkabukas ng lift ay dali daling humakbang si Jillian paalis ng hindi na nililingon pa ang binata. Sa sobrang pagmamadali niyay hindi na niya namalayan pa na nakasunod na pala ito sa kanya, hanggang sa loob ng kanilang office. " Is everything ok?" saad ng binata na agad namang nagpa untag kay Jillian. " Si...sir! Ma..may kailangan po kayo? Mamaya pa po darating si sir Steven. Gusto nyo tawagan kopo sya para sa inyo?" gulat niyang sambit dito kasabay ng mabilis na pagdagundong ng sobrang kaba sa kanyang dibdib. " Alam ko, and I didn't came here for him..I came here to see you" he said it straight to her looking at her eyes. Sa sobrang pagkataranta ni Jillian agad niyang binawi ang kanyang mga mata sa pagkakatitig dito. " Am...you want coffee sir, teka ipagtitimpla ko po muna kayo ng kape, sandali lang po." paalis na sana siya ng maagap siyang napigilan ng binata. He pulls her closer to him and gave her his hot, tempting, welcoming good morning kiss. She was stunned. Wala ng nagawa pa si Jillian kundi ang magpaubaya sa mga halik nito. Daig pa niya ang na hypnotized ng mga sandaling iyon. Kahit anong pigil niya sa sarili hindi niya magawa. Alam na alam ng binata ang kanyang kahinaan, maging ang kanyang mga kilos ay agad nitong nababasa. Kaya kahit anong subok niyang pigilan itoy hindi niya magawa. Bago paman nito tuluyang bitawan ang kanyang mga labi ay tinitigan sya nito ng husto. Iyong titig na tila ba tatagos sa buo niyang pagkatao. Napayuko siya sa sobrang hiya. " Why am I getting this damn crazy on you?..And why am I always feeling like I'm losing you...Nababaliw naba talaga ako ng husto sayo?" seryoso nitong saad sa kanya. Agad nag iwas ng tingin si Jillian sa kanya ni hindi niya ito matingnan ng diretso. She remain silent infront of him. Mas pipiliin nalamang niyang manahimik kaysa may masabi siyang ikasama ng loob nito. " Gustong gusto kitang laging nakikita at kasama." dagdag pa nito sabay haplos nito ng kanyang pisngi. Napaawang ang kanyang mga labi. Nais niyang magsalita ngunit walang ano mang salita ang nais kumawala mula rito. Kaya isang malalim nalang na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. " Ehem..." isang tikhim mula sa kanilang likuran ang bumasag sa katahimikan at titigang namagitan sa kanilang dalawa. Dumating na pala si Steven, ni hindi manlang nila namalayan ang pagdating nito. Agad nanamang dinumog ng sobrang kaba si Jillian, hindi niya alam kung ano ang maaring nasaksihan nitong eksena sa pagitan nila ni Lhexis. Samantalang si Lhexis naman ay relax na relax lamang na para bang walang ano mang nangyari. Samantalang inabutan sila ni Steven na sobrang lapit sa isat isa at titig na titig pa sa isat isa. " Good morning guys..." nakangiti nitong bati sa kanilang dalawa " Good morning sir.." nahihiya man ay pinilit ni Jillian na maging casual parin. " Ipagtitimpla kopo muna kayu ng kape sir " dagdag pa niya rito " Thanks Jillian." tanging tugon ni Steven rito sabay ngiti na parang may nais itong ipahiwatig. Agad namang namula ang magkabilang pisngi nito sa sobrang hiya sa tila nangungutyang ngiti ng kanyang boss. " So, what can I do for you Mr. President? mukhang ang aga mo akong namis ah." ngising aso nitong sabi sa kanyang pinsan " Siraulo ka talaga, there are some important documents that I'm looking for and I guess you have it here." ani Lhexis " Oh I see...Sana tinawagan mo nalang ako para naman hindi kana naghintay rito ng matagal.May dinaanan pa kasi ako kanina kaya medyu natagalan ako" ani Steven. " Yeah, Jillian told me about that. That's why I didn't bother to disturb you. Anyway, it can wait and there's no need to rush." ani Lhexis " Well, I'm just concerned, baka mainip ka kahihintay sakin." " Of course not, Jillian is here and she even assist me with everything I need." dagdag pa ni Lhexis " Excuse me sir, here's your coffee..." maya mayay sabad ni Jillian. Agad na tumayo si Lhexis upang alalayan ang dalaga sa pagbitbit ng coffee tray. " Naku sir wag na po kaya kona po ito" awat ni Jillian kay Lhexis. " No, just let me". Lhexis insisted " Lhexis kaya na ni Jillian yan, araw araw niyang ginagawa yan. At hindi niya ikakabinat yan ano kaba?" pabirong turan ni Steven sa kanyang pinsan sabay ngiti. Agad nagsalubong ang kilay ni Lhexis sa tinuran ng pinsan, at biglang naging seryoso ang aura nito kaya naman tumigil nalamang si Steven sa pang aasar dito. Sa sobrang hiya ni Jillian ay agad na itong nagpaalam sa dalawa upang bumalik na sa kanyang table. " Hey...what! " pagmamaang maangan pa ni Steven na para bang hindi nito napuna ang biglang pagkainis ng kanyang pinsan " Stop it!" inis na sabi ni Lhexis " Ok,ok...im just kidding ano kaba? Ang bilis mo namang mapikon. Pano naninibago ako sayo eh, your being too gentleman and concerned with someone. Ngayon lang kasi kita nakitang ganyan sa isang babae." saad pa ni Steven sa kanyang pinsan Napaisip si Steven, hindi nga pala nito alam ang tungkol sa kanila ni Jillian at magpahanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa siyang naikukuwento rito ng tungkol sa kanilang dalawa. At tama rin naman ito, never in his whole life na naging ganito siya ka clingy sa isang babae, to the point na wala na siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng makakakita sa kanila. Ewan ba niya sa sarili, pero hindi niya kayang pigilan ang sariling lapitan ito at gustuhing maging malapit dito. Hindi naman siya dating ganito. Dati rati naman he doesn't care to give his attention to any woman. Pero iba si Jillian, nagagawa nitong makuha ang buong atensyon niya at damdamin. Ayaw niyang mapalagas ang bawat pagkakataong makasama ito, mayakap at maiparamdam dito kung gaano niya ito kamahal at kung gaano ito kahalaga sa kanya. " Ang akin lang naman kasi baka mahulog sayo yan." dagdag pa ni Steven " Then what seems to be problem?" kunot noong tanong ni Lhexis " It will be a big problem Lhexis. She's been working for me since my day one in this company. And siya lang ang maaasahan ko sa maraming bagay. She's one of a kind woman at saka matino yan." ani pa ni Steven " So whats your point then, pwede ba wag kanang magpaliguy ligoy pa, tell it straight to my face, ano ba talagang gusto mong sabihin?" tanong ni Lhexis " Come on Lhexis, pinsan kita and we both know what your up to. You know exactly what I'm talking about. Alam na alam mo kung ano ang kahinaan ng mga babae. So please, wag ang sekretarya ko ok. Ang hirap ng makahanap ng ganyan kasipag at maaasahang sekretarya ngayon. And besides, maraming ibang babae dyan na kagaya mong ginagawang laro lang pag ibig, Jillian is not one of them. Matinong babae sya." paliwanag ni Steven " Ganon naba talaga ako kasama sa paningin mo?" ani Lhexis " Nope, it just happened that you were born irresistible, gorgeous and handsome. And these perfect set of curse runs in our blood kaya hindi na natin mapipigilan ang sino mang babae na wag mahumaling satin." biro pa ng pinsan sabay halakhak. " Gago ka talaga, I don't even know kung kelan ba kita makakausap ng matino." " Hey I'm just stating a fact, bakit ilang babae naba ang napaiyak mo? Eh, ako nga ni hindi kona nga mabilang sa sobrang dami na nila eh. Ikaw ba naalala mopa kung gaano na sila karami sa listahan mo? Bro, tama ng pagpapaiyak ng babae ok, were getting older, kaya magseryoso na tayo sa mga buhay natin. Mag retire kana sa pagiging playboy mo." " By the way, I have a good news for you. Tumawag nga pala ang future wife mo, si Andrea, she's flying back in the Philippines anytime next month, pero hindi niya sinabi kung kelan exactly yong date. But she told me she's going to suprise you." dagdag pa ni Steven sabay ngiti rito ng nakakaloko. Isang mahalagang kleyente ang tumawag sa kanilang opisina upang magpa set ng appointment kay Steven. Kaya naman agad pinuntahan ni Jillian ang kanyang boss upang ipagbigay alam rito ang naturang bagay. Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon, ay narinig nito ang pagsambit ng kanyang pangalan mula sa kanyang boss. Dala narin ng kanyang curiosity ay naisip niyang makinig muna sandali sa pinag uusapan ng dalawa at kung bakit nabanggit ng kanyang boss ang kanyang pangalan kay Lhexis. Labis na nasaktan si Jillian sa lahat ng kanyang mga narinig. Lalo na sa mga huling bagay na kanyang nadiskubre tungkol kay Lhexis. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang kanyang mga narinig. "Darating sa bansa ang mapapangasawa nito anytime next month." Mga salitang pilit nagsusumiksik sa kanyang utak. Ramdam niya ang tila isang matalim na punyal na tumutusok ng paulit ulit sa kanyang puso. Hanggang sa hindi niya na namalayan ang malayang pag agos ng kanyang mga luha. She was betrayed and played by him. Pero bakit siya pa. Nasaktan na sya at ngayon ay masasaktan nanaman siyang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD