Chapter 54 Araw ng linggo, walang pasok. Ngayon ang araw na lilipat na si Jillian sa condo ni Aldrick. Dahil sa pagiging consistent ni Hazel sa pangungulit at pangungumbensi sa kaibigan, sa wakas ay napapayag rin niya ito kalaunan. Ayaw sanang pumayag ni Aldrick na mag renta pa siya sa condo nito, kasi nga hindi na iba para sa kanya si Jillian pero napilitan narin itong pumayag kasi ayaw pumayag ng isa na tumira siya doon ng libre. Naging abala si Jillian ng araw na iyon sa kanyang paglilipat kasama ang tatlo, sina Hazel, Mark at Aldrick. Talagang nilaan ng mga ito ang kanilang oras upang matulungan siyang mapadali ang kanyang paglipat. " Guys, tama na muna yan mag merienda muna kayo." tawag ni Jillian sa mga kasama sabay lapag ng ginawa niyang sandwich at juice. " Oi tamang tama guto

