E P I L O G U E "Ahhh... ang sakit ng lalamunan kooooo." wala sa sariling saad ko habang hinihimas-himas ang aking tuyot na tuyot na lalamunan. Nagpaalam na ako sa mga co-voice actors ko na kailangan ko nang umalis at hindi na ako makakasama pa sa kanilang lunch dahil tinawagan ako ng aking ka-grupo sa research para sa ilang paalala ng aming mga profs. Marami pa akong gagawin kaya wala akong oras. Matindi kasi ang eksena kanina sa recording namin ng tagalog dub ng isang anime na sikat na sikat ngayon dahil sa napakaganda nitong animations. At naibigay sa akin ang role ng pagiging bida kaya todo bigay ako kanina dahil iyon din ang aming first day recording. May kataasan na ang sikat ng araw dahil magtatanghali na, kanina pa akong alas-siete sa recording studio. Sinalpak ko na lang ang a

