Chapter 59 Final Hour ZIE "I-ilang minuto na lang at tuluyan nang magaganap ang pagdilim ng araw." kinakabahang saad ni Grace sa aking tabi habang nasa pinakagitnang bahagi kami ng Academy. Tumango ako "Ilang minuto na lang din ang hinihintay ng mga taga-Old Silkwood upang simulan ang walang saysay na kaguluhang ito." sagot ko naman. Ilang minuto matapos naming mag-usap ni Lolo Alastor ay napagdesisyunan niyang pulungin kami para sa strategy na kailangan naming gawin. Hiwa-hiwalay kami ng mga lokasyon, sina Ki at Mika ay magkasama sa defensive and offensive team ng New Silkwood malapit sa border. Kasama ang dalawa sa pinaghalo-halong pwersa ng sandatahang lakas at ilang matutunog na magagaling at eksperto sa mahika. Mandatory na ang lahat ng grumaduate sa Bloodstone Academy at sa iba

