Chapter 29 Take Over ZIE "Owaridesu. Mind Invasion Magic: IQ Blackout..." sarkastikong saad ko sa kanya. Mabilis kong ibinato sa kanya ang isang small pinkish white light bolt na mula sa dulo ng mga daliri ko. Wala pang ilang segundo nang marating nito ang kinatatayuan ni Zephyrus nang ilagan niya ito. Napangiwi naman ako dahil hindi ko inaasahan ang pagiging agile niya. Maganda ang reflexes niya at smooth niyang naiwasan ang liwanag na ibinato ko sa kanya. Ibang-iba talaga ang pakikipaglaban kapag totoong tao ito. Malaki ang pagkakaiba niya kaysa sa mga dummies. Masasabi kong bihasa sa ganitong larangan si Zephyrus. Hindi nga ako nagkamali sa mga reviews ko sa kanya. Hindi pa ako nakaka-recover mula sa mabilis na pag-iwas na ginawa niya nang mapansin kong mabilis itong tumakbo papal

