Chapter 19 Shadow Art ZIE "Ano bro? Hanggang sa susunod na training regime natin? Marami pa akong ituturo sa'yong mga techniques. Una na ako." nakangiting wika ni Tom at dali-daling kaming iniwan ni Grace sa loob ng training room. Huminga ako ng malalim dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang pagsakit ng mga daliri ko. Kahit papaano ay alam ko na ang basics sa pagkontrol ng mahika ko, marami pa rin ang nag-backfire sa akin. Hindi naman kasi isang pitik lang ay makakaya ko nang kontrolin ito. Kung ako ay papunta na, silang mga nag-ttrain at sumusuporta sa akin ay nakabalik na ng ilang ulit pa. Sabi nga ni Mika ay napaka-late bloomer ko. Totoo naman kasi 'yun, talagang late bloomer ako kasi ngayon ko lang nadiskubre ang mahikang taglay ko. Labing-limang taon akong nanatili sa Pilipinas

