Chapter 17 Fiery Soul ZIE "Naku Pare, ako na talaga ang nagsasabi sa'yo na ayusin mo ang training mo kasama si Mika. Malilintikan ka talaga sa kanya." natatawang sabi ni Ki habang naghihintay sa aming Professor na next subject namin. Tumawa ako ng mahina "Hala... First time ko pa lang gagamitin 'tong magic ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ginising na kaagad 'yung mahika ko. Akala ko hihintayin muna ni Professor Yuki na maging physically fit ako." sagot ko habang sinisipsip ang strawberry cream flavored lollipop sa bibig ko. Inilagay niya ang kanyang mga braso sa batok niya bago magsalita "Dalawang trainor mo pala ang terror. Hindi mo pa pala namemeet si Juno. Naku Pare, sinasabi ko sa'yo! Isa rin ang babaeng 'yun. Kung si Mika at hot tempered 'yun naman ay napaka-cold tempered

