Airah POV "Taena bruha, ano 'to kala ko session ang pupuntahan natin bakit ganito ang bubunggad sa akin isang party at bwisit late ka pang dumating." Pabulong na sambit ko dahil nanggagalaiti ako sa galit, habang 'tong bruha ay nakangiti lang at napaupo sa tabi ko. "Sorry late ako hindi kita nasabihan, birthday party kasi ng magiging client natin at ang nakausap ko lang ay ang ina niya. Walang alam ang lalaking anak niya na ganito ang plano natin, nag-aalala kasi ang ina kung bakit takot makihalubilo ang anak at nagkukulong lang ito sa kwarto, may koneksyon daw iyon nung kinidnapped ito at nang mabawi ay tulala na lamang ito." Hirap kong i-proseso nung una ang mga sinasabi nito pero kalaunan ay nauunawaan ko na kaya pala kakaonti lang ang mga taong naririto sa party at halos lahat ay n

