Jane POV "Mama goodmorning." nagising ako nang maramdaman ko ang mumunting halik sa aking pisnge kaya napangiti ako. At paunti-unting nagmulat and I kiss my daughter's forehead. "Goodmorning din princess." Napanguso ito at napailing ako saka sinilip ko ang orasan na nakapatong sa bedside table, roon ko nakita na 6:21 am palang kaya kumunot ang noo ko. "Ang aga mo ata nagising ngayon ah." Napangisi ito at saka napayakap sakin habang hawak nito ang kaniyang cellphone. "Mama 'di niyo ba naaalala na ngayon ang araw na sasamahan kita na maghanap ng susuotin niyo mamaya?" I just hummed at napapikit ako ulit pero naramdaman ko ang pagpisil nito sa ilong ko kaya natawa ako. "Mama 'di ako nagbibiro, diba may charity event kayong pupuntahan? Nasa schedule niyo po iyon eh nabasa ko kahapon." 'D

