Airah POV "Ito kainin mo ito nakakabuti sa bata ang gulay at saka inumin mo rin ang gatas pagkatapos." Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ito sa paglagay ng pagkain sa plato. "Teka princess pakikuha nga yung slice ng apple riyan." Inabot naman ng anak ko ang hinihingi ng ama nito at walang babalang nilagay sa tabi ng plato ko ang mga iyon. Kanina pa ako nagtitimpi at hindi ko alam kung ano gagawin. Naiinis ako sa mga pangyayari at ito naman ay parang walang nangyari na masayang-masaya sa ginagawa nito. "I'm not pregnant Zeen." Matigas na pahayag ko na kinatigilan nito pati rin ang mga anak namin ay napatingin sa akin. Sabihin na nating kanina pinigilan ko sarili ko para sa mga anak namin pero ngayon ayaw ko na itong mga nararamdaman ko. "Aira--" "Ano ba pumasok sa utak mo at

