Airah POV "Mama? Bukas ha sasama ako sa restaurant. Nakakatampo kana kasi masyado kanang busy ang aga mo pang umalis kanina." napabuntong-hininga ako, kanina kasi kailangan ko daanan ang restaurant para I-check muna sandali ang kalagayan nito at sandaling magbigay ng mga orders sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan kaya nga kinailangan ko umalis ng maaga sa bahay at binilin ko na lamang sa isa kong tauhan ang anak ko. Saka Pagkatapos ng lahat ay eto ako ngayon nasa loob na naman ng opisina ko with a mask on my face. At sandali muna ako lumabas mula sa session room para kausapin ang anak ko. At tama ang hula ko kaya ito napatawag ay dahil nagtatampo ito sanay kasi ito na kapag nagigising ay andon pa ako sa bahay at nakikita pa ako nitong nagluluto para sa agahan namin. "Sorry talaga anak

