Airah POV "Please." Napakuyom ako ng mga kamay saka dahan-dahan na hinarap ito doon nakita ko ang mukha nito at nang makita ko ang unti-unti nitong pagtayo habang ang mga titig nito ay tila apoy ay mas lalo akong hindi makagalaw. Tinitigan ko lamang ito hanggang sa magkaharap na kami. "Airah.." ang pagbigkas nito ng pangalan ko ay may dalang kakaibang pakiramdam sa aking katawan at pagkatao. Unti-unti naramdaman ko ang panlalabo ng aking mga mata. Feeling ko ang tanga ko, Feeling ko ang hina-hina ko, dahil ngayon wala akong magawa kundi ang harapin ito at hayaan ito sa ano mang gusto nitong gawin. He held my face and I saw how he lean closer kaya wala akong nagawa kundi tumitig lamang at tile estatwa na hinihintay lang ang mangyayari. Matagal nitong tiningnan ang aking mukha bago

