CHAPTER 18 Leonardo POV Ang hangin ng gabi ay malamig, ngunit ang pakiramdam ko ay nag-aapoy. Ang bawat hakbang ko habang nililibot ang estate ay puno ng tensyon. Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi ni Don Federico kanina—ang lihim na maaaring maglagay kay Celestina sa panganib. "Leonardo," bulong ko sa sarili ko, "hindi pwedeng may mangyari sa kanya." Napahinto ako sa gitna ng hardin. Tahimik ang paligid, pero parang may nakatingin sa akin. Mabilis kong sinuri ang paligid, ngunit wala akong makita. “Tama na ang paranoia,” sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. Pero sa likod ng utak ko, alam kong may mali." Pagpasok ko sa mansion, tumama agad sa akin ang bigat ng tensyon sa loob. Si Don Federico ay nasa opisina niya pa rin, ngunit may mga bagong tauhan siyang kasama. Mga hindi k

