Inigo’s POV Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Xandro, Fernan at Bernard ilang talampakan lang ang layo ng table namin. Abala kasi si Rafael sa pagsayaw sa kanyang asawa. Nag-kukumustahan kaming magkakaibigan dahil sasabihin ko na rin ang plano kong pag-alis at isa pa nahihiwagaan kami sa babaeng isinama ni Fernan na kanina pa nanliliit ang mata habang nakatingin sa kanya. Lalo na kapag may nangungumusta sa amin na kakilala. Priya daw ang pangalan nito at isa daw itong prinsesa kaya ganun na lamang ang gulat namin at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Hindi kasi ito mukhang prinsesa na karaniwang nilalarawan na isang mabining babae at kitang-kita ang pagka-karoon ng delikadesa lalo na sa mabining pagkilos nito. Pero yung ipinakilala niya sa akin kanina ay hindi karaniwang babae. “Prinsesa

