Chapter 5

2337 Words
Inigo’s POV Hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan siya. s**t! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong excitement at pati na rin kaba. Gustuhin ko mang mas palalimin pa ang ginawa ko ngunit nag-aalangan ako. Dahil halatang nagulat din siya. Her lips taste like a sweet sauce and soft like a marshmallow. Mas masarap pa atang lantakan yun kaysa sa ulam na niluluto ko. I can’t get enough! But I have to make it slow. Baka matakot siya sa akin. Pagkatapos kong dampian siya ng halik ay lumayo din ako dahil baka hindi ako makapagpigil sa sarili ko makagat ko pa ang ibabang labi. Damn! I want more than a kiss! Halik pa lamang yun, but I already felt hard! “I’m sorry,” Sambit ko. Nakamaang parin siya habang nakatingin sa kawalan. “Is that your first kiss?” Tanong ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango pansin ko din ang pamumula ng kanyang pisngi. Napakakinis talaga ng balat niya. Damn! I’m her first kiss! Parang gusto ko ng magtatalon sa tuwa. “Really?” Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. “Bakit mo ako hinalikan?” Tanong niya sa akin. Kinabahan ako sa kailangan kong isagot sa kanya. Dahil baka lumayo ang loob niya sa akin. But I think kailangan na rin niyang malaman ang totoo. “I like you,” Sambit ko na ikinagulat niya. “You like me? Kaya ba dinala mo ako dito sa bahay niyo?” Kunot noo na tanong niya sa akin. “Yes, and I’m sorry for kissing you. Hindi ko lang napigilan ang sarili kong halikan ka. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae. Nang makita kita noong gabing yun ay nabighani na agad ako sa’yo. Kaya kita niligtas sa matandang yun. Pero don’t worry, I don’t have bad intentions on you Rylee, kahit gusto kita hindi pa rin kita pipilitin kung hindi mo gusto.” Mahabang paliwanag ko sa kanya. Ngayon ko lang ginawa ito ang magtimpi dahil ayokong magalit siya sa akin at gustuhin niyang umuwi. “Sir Inigo, salamat sa tulong mo. Pero hindi ata tama ito, mas mabuti pang i-uwi mo na ako.” Wika niya na ikinabahala ko. “No, please stay with me. I’m sorry kung nangahas akong halikan ka hindi na mauulit.” Paki-usap ko sa kanya. Bumuntong hininga siya at iniwas ang sarili sa harapan ko. “Kalimutan na lamang po natin ang nangyari.” Sambit niya. Wala akong nagawa kundi ituloy ang paghahanda ng pagkain. Pinaghiwa ko narin siya ng steak para mas madali niyang makain. Kinagabihan ay hindi ako dalawin ng antok. Nalaman ko din na tinuloy nga ni Rafael na kidnapin si Angela. Sira ulo talaga yung kaibigan ko na yun. Pero sa bagay kahit siguro ako ganun ang gagawin ko. Besides natipuhan ko din noon si Angela. She’s like a walking goddess wearing hot red satin dress na nakita ko sa vedio habang nagpo-promote ng international brand. Mas gumanda pa siya ngayon kaysa noong una namin siyang makilala. Sana lang ay magka-ayos na sila ni Rafael. Hindi ko maiwasan na mapangiti, although nangangamba pa rin ako baka pilitin niya akong i-uwi siya sa kanila dahil hindi ko talaga gagawin yun kahit magalit pa siya sa akin. Tulog na kaya siya? Galit pa kaya siya? May narinig akong ingay sa labas kaya. Napatayo ako sa higaan. Palagay ko ay nasa kusina siya. Ano kayang ginagawa niya? Mag a-alas-nuebe palang ng gabi hindi pa siya natutulog? Dahan-dahan akong humakbang patungo sa pinto. At pagsilip ko sa kusina ay naroon nga siya. Nakita ko siyang may kung anong tinitignan sa loob ng two door ref. Muntik na akong mapamura nang makita ko ang suot niyang pantulog. Nagpabili din ako ng ganun kay Jessa pero hindi ko alam na ganun ang bibilhin niya. Napakanipis nito at kitang-kita ko ang underwear niya. Napakagat ako ng ibabang labi habang pinapasadahan siya ng tingin. Shit! Galit na naman ang ibaba ko. I feel like looking at the most beautiful and hot woman. Nude pa ang color ng nighties niya kaya mas lalong umangat ang makinis at maputi niyang balat. “What are you doing?” Nagulat siguro siya sa presensiya ko kaya nahulog niya ang hawak niyang gatas na nakalagay sa pack. Bumagsak ito sa paa niya at natapon. “Sir! Sorry po! Akala ko tulog na po kayo! Hindi po kasi ako makatulog kaya iinom po sana ako ng gatas.” Yumuko siya at kinapa ang natapon niyang gatas. Lumapit ako sa kanya at tinulungan ko siyang damputin ang takip. Kinuha ko sa kamay niya ang malaking lagayan ng gatas. “Natapon na tuloy ginulat niyo po kasi ako.” Namumulang wika niya. Saka ko pa lamang napansin ang nakahantad niyang cleavage. “Oh God your killing me!” Bulalas ko. “Po?” Maang na tanong niya. “Oh, I-I mean ako na ang bahala dito.” Kumuha ako ng punas para punasan ang natapong gatas. Mabuti na lamang at hinayaan niya ako. Pagkatapos kong malinis ang kalat niya ay ikinuha ko siya ng panibagong gatas nilagay ko yun sa baso. Kinuha ko ang kamay niya at inihawak ko sa kanya. “Hindi ka rin ba makatulog? Ganun din ako eh, kaya iinom na rin ako ng gatas.” Wika ko sa kanya. Isang simpleng ngiti ang isinukli niya sa akin. Mas lalong kumabog ang dibdib ko pakiramdam ko ay lalabas na siya sa katawan ko. Kung pwede ko lang siyang pangigilan at ihiga sa malambot kong kama kanina ko pa ginawa. Hindi niya siguro alam na manipis ang suot niyang damit. Hinayaan kong mag fiesta ang mata ko habang nakatingin sa kabuohan niya kahit hirap na hirap ako dahil patuloy akong nakakaramdam ng pagnanasa sa katawan niya. Kaagad niyang ininom ang isang basong gatas at inubos niya agad. Hindi ko maiwasan ang mapalunok habang nakikita ko ang nakahantad niyang leeg pababa sa kanyang cleavage. Parang gusto kong isiksik ang mukha ko sa pagitan noon. Shit! Kailan pa ako naging manyakis na ganito! “Sige po tutulog na ako Sir.” Wika niya pagkaubos ng gatas sa baso. Hindi nakaligtas sa akin ang naiwang gatas sa ibabaw ng labi niya. Nakatulala lang ako habang doon pa rin nakatuon ang mga mata ko. Muli siyang nangapa at tinungo ang lababo. Nang makarating siya sa lababo ay hinugasan niya ang basong ginamit niya. Mula sa likuran niya ay bumaba ang tingin ko sa pang-upo niya. Shit! I need to release it! Kung hindi baka kung ano ang magawa ko. Inubos ko ang natitirang gatas sa baso ko at nagtungo din ako sa lababo. Wrong moved! Saktong ipapatong ko na ang baso nang bigla siyang humarap sa akin. Napaatras ako ng bahagya dahil naramdaman ko ang katawan niya. “Sorry Sir, ako na po ang maghuhugas ng baso niyo.” Wika niya sa akin. Habang nakatingin sa kawalan. Nasa labi pa rin niya ang gatas. “Rylee, I’m sorry ulit. Pero hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. I want to kiss you again.” Pagkatapos kong sabihin yun ay hinapit ko ang beywang niya at kinabig ko ang batok niya. Palapit sa akin, hangang maglapat ang labi naming dalawa. Ang tamis! Ang lambot! I swear I want to kiss her until tomorrow!  Halos maubos na kami ng hininga. Nang tigilan ko ang kanyang labi. Pinagdikit ko ang aming noo. At hinahabol pa rin ang paghinga. “Galit ka?” Paos na tanong ko sa kanya. “Hindi ko po alam. Bago sa akin ang pakiramdam na ito. Pero alam kong mali ito.” Sambit niya. “I’m sorry.” Ramdam ko sa labi niyang ako pa lamang ang lalaking nahahalikan niya dahil hindi pa niya kayang sundan ang pagalaw ng labi ko. Mas lalo tuloy akong nasasabik sa kanya. Damn it Inigo! Inihatid ko siya sa kanyang kwarto at hindi naman siya tumangi. Alam kong may pag-aalinlangan siya dahil sa kalagayan niya ngayon. Pero I swear kapag nakakita na siyang muli hindi ko na sasayangin at pipigilan ang sarili ko. “Goodnight.” Sambit ko. Tipid na ngiti lang ang kanyang naisukli bago niya isara ang pintuan. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang nakahiga sa malambot na kama. Tutulog na sana ako nang tumunog ang phone ko. “Hello Xandro?” Nakangiting tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako ganito pakiramdam ko ang saya-saya ng puso ko at hindi maalis ang ngiti ko sa labi. “Are you busy? You sounds someone is tickling you?” Napabalikwas ako ng bangon at natawa ako sa sinabi niya. Totoo naman kasing may kumikiliti sa puso ko. “Wag mong sabihin in-love na in-love kana sa babaeng inuwi mo?” Kahit hindi ko siya nakikita paniguradong nakangisi siya ngayon. Mabuti na lamang talaga at tinulungan niya akong makuha si Rylee sa lalaking yun. Alam kong kaya niyang gawan ng paraan yun dahil sa aming lahat na mag-kakaibigan siya lamang ang may connection sa dark organization. At kung kilala nila si Xandro malamang matatakot na silang labanan ito. Bukod doon mas marami pa itong tauhan dahil sa mga negosyo niya. Legal naman ang mga negosyo niya kaya lang dahil marami siyang kakilala na sa org. Ay hindi maiwasan na kakambal niya ang panganib. But I know him. He can protect his self. Kahit pa kay Mr. Ramos. “I don’t know Xandro, pero ngayon siya ang nagbibigay kulay sa boring kong mundo.” Nakangiting sagot ko sa kanya. Ramdam ko pa rin ang malambot niyang labi sa akin pati nga ang lasa ng gatas ay narito pa rin. Sa totoo lang hindi talaga ako mahilig uminom ng gatas. Pero dahil sa kanya mukhang hahanap-hanapin ko na ang lasa non. “By the way, nagka-usap kami ni Rafael, natangay na nga niya si Angela. Ang gagong yun, talagang ginamitan ng dahas si Angela. Ginamit pa ang ibang tauhan ko ng walang bayad at ngayon ay gusto naman niyang pumunta tayo sa isla. Dahil may balak siyang sopresahin si Angela. Kaya tulungan mo ako. Nakausap ko na rin si Bernard na sasama din siya.” “Okay, I’ll go!” “Really?” “Yes bro! Goodnight.” Mabilis kong pinatay ang tawag niya. Nagtataka siguro siya na pumayag agad ako sa sinabi niya. Well masaya ako ngayon kaya. Magpasalamat siya, speaking of Rafael and Angela. Mukhang next-level na talaga ang relasyon nilang dalawa. Sana naman ay hindi na sila ulit maghiwalay pa. Alas-sais pa lamang ay gising na ako. Balak ko kasi siyang isama sa pagpunta namin sa isla. Para naman makalabas siya ng condo. Nadatnan ko siyang naglilinis ng sahig. Maaga rin pala siyang gumising. “Good morning!” Masiglang bati ko sa kanya. “Good morning din po Sir. Inigo.” Bati niya sa akin. Bago ibalik sa trabaho ang atensyon niya. “Ako na maghahanda ng breakfast may pupuntahan kasi tayo mamaya.” Wika ko sa kanya. Tumingin siya sa gawi ko kahit hindi niya ako nakikita. “Saan po?” Kunot noo na tanong niya. “Basta, maghanda ka ng gamit mo okay. Pupunta tayo sa isla. Ipapabili na lang ulit kita ng damit kay Jessa.” “Ay sir!” Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin. Kaya nilapitan ko siya. “Wag niyo na po akong ibili. Hindi naman po kailangan. Hindi rin naman ako maliligo.” Saad niya. Napaisip ako ang sabi kasi ni Xandro pupunta daw kami sa resort nila after namin kila Rafael. “No, I insist Rylee. Kailangan mo din lumanghap ng sariwang hangin kaya kita isasama. Isa pa hindi naman kita ipapabili ng swimsuit dahil hindi ka naman nakakakita. Baka pag-fiestahan pa ang katawan mo ng mga lalaki sa resort nila Xandro.” Paliwanag ko sa kanya. Nakangiti akong tinalikuran siya. Syempre kahit nakakakita pa siya hindi ko rin talaga pagsusuotin siya ng swimsuits. Her body is for my eyes only! Mine alone! Matapos naming kumain ng breakfast ay tinawagan ko na si Jessa upang ipamili si Rylee ng pam-beach na damit. Tiwala naman ako kay Jessa dahil maganda rin itong magdala ng damit paniguradong babagay kay Rylee ang mga bibilhin niya. Malapit nang magtanghali nang umalis kami sa condo. Dumaan na rin kami sa hotel para kunin ang mga damit ni Rylee. Pagkatapos ay dederecho na kami sa airport sakay ang private helicopter patungong Quezon Province. At mula doon ay sasakay kami sa Yate ni Xandro para puntahan sila Rafael. Nilingon ko si Rylee na payapang natutulog sa tabi ko. Mapagmasdan ko lang ang mukha niya ay masaya na ako. Para talaga siyang anghel kung matulog. Ikinumot ko sa kanya ang makapal kong jacket. Para hindi siya lamigin. Bagay na bagay sa kanyang ang kulay baby pink na dress. Tama lang sa katawan niya at nagmukha lalo siyang pinakamaganda sa paningin ko. Pagkarating namin sa airport ay ginising ko na siya. “Sir Inigo, natatakot akong sumakay diyan.” Hila-hila ko ang kamay niya at ayaw niyang lumakad nang sabihin kong kailangan naming sumakay sa helicopter. “Don’t worry Rylee. Matatagal ng piloto ang kasama natin hindi tayo mapapahamak.” Natatawang wika ko sa kanya. “Pwede bang wag na akong sumama? Baka atakihin ako diyan eh!” Pigil niya sa akin. Humarap ako sa kanya at hinapit ko siya sa beywang mabilis at mabilis na niyakap. Sobrang lakas na rin kasi ng hangin dahil umiikot na ang main rotor blade nito. “Wag kang matakot. Andito naman ako. Hahawakan ko ang kamay mo o kung gusto mo yayakapin pa kita ng mahigpit gaya nito hangang makarating tayo sa isla.” Nakangiting sambit ko sa kanya. Sinilip ko ang kanyang mukha at natural na namumula na naman ang kanyang pisngi. Na para bang cotton candy at masarap kagatin. “Ano? Tara na?” Dahan-dahan siyang tumango na ikinangiti ko. Inikot ko ang aking braso sa kanyang maliit na beywang. At nakahawak naman ang isa sa kanyang kamay. Inalalayan ko siyang umakyat sa helicopter at sinuotan ng noise cancellation headset. “Let’s go!” Utos ko sa piloto na kaagad namang tumalima.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD