Inigo’s POV Ilang araw pa lamang ang nakakalipas ay para na akong mababaliw dahil kay Rylee. Ilang linggo ko pa lamang siyang nakikilala pero mabilis na nahulog ang loob ko sa kanya. Pinagbigyan ko siyang umuwi siya sa kanyang Tiyahin at Tiyuhin dahil yun ang gusto niyang mangyari. Hindi ko alam kung ano ang naging pag-uusap nila ni Mommy at kung dahil ba sa pagpatay ko sa kumidnap sa kanya ang dahilan pero hindi ako papayag na basta na lamang niya ako iwan ng ganito. Marami pa akong plano. Gusto ko pa siyang dalhin sa Canada para ma-operahan. Gusto ko siyang makakita na para hindi na siya nakakulong sa madilim na mundo. Gusto ko siyang ipasyal sa maraming tanawin na pupuntahan ko. Mabilis niyang nakuha ang puso ko at ngayon parang gusto kong pagsisihan ang naging disesyon ko. Dahil sa ga

