3

1051 Words
AKI's POV Binigyan ko ng pera si Violeta para sa stocks dito sa bahay. Ganito na ang kalakaran namin. Siya ang namimili para sa mga kailangan dito, lalo na sa kusina. Kadarating ko lang ay napasabak na agad Ako sa labanan sa kama. Si Violeta ang nagpapa-init sa akin tuwing nandito ako sa Santa Monica. Kapag umalis ako dito ay wala na akong komunikasyon sa kanya o kahit kanino dito. Wala silang alam sa aking trabaho at kung sino ako. Humingi ako ng isang buwan na bakasyon, kaya heto ako ngayon dito. Dala ko ang aking kotse na may kalumaan na. Kilala ako bilang Aki dito. "Darling, alis na Ako!" paalam ni Violeta. Humalik pa ito sa aking pisngi. Hindi ko alam kung bakit pa siya nagtyatyaga sa akin. Kahit matagal kaming hindi nagkita ay laging magiliw ito sa akin. Bawal nga lang akong pumasyal sa club niya. Bantay sarado ako ni Violeta kapag nandito ako. Hindi naman mahirap humanap ng babae kahit saan ako pumunta. Palay na ang lumalapit sa akin, tatanggi pa ba Ako? Lahat nang pwedeng tikman ay tinitikman ko. Sila naman naghahain ng sarili nila sa akin. Kasama rin sa trabaho ko minsan iyon. Nakakakuha ako ng impormasyon sa mga babaeng naikakama ko. Kung kailangan gamitan ng charm ay madali lang para sa akin. Ako yata ang isa sa halimbawa ng tall, dark and handsome. Madalas kong marinig sa mga babae na nagkukumpulan ang salitang iyon. May taas akong 5' 11", kayumanggi ang kulay ng aking balat, kulay brown ang aking mga mata, matangos ang aking ilong, makapal at mala rosas ang kulay ng aking mga labi, at maganda ang aking baba. Mahal ko ang aking sinumpaang propesyon. Kaya noong nag-aaral pa lang ako ay ibinigay ko ang lahat para manguna ako sa klase. Sabi ng mga nakakakilala sa akin ay mahusay, matalino at matapang ako. Totoo naman kahit noong bata pa ako ay wala akong inuurungan na laban. Pasaway ako noong high school kaya naman lahat sila ay nagulat sa achievement ko noong kolehiyo. Kailangan ko talagang magseryoso, kailangan malakas ang instinct ko bukod sa kailangan makapag-isip nang mabilis at tamang mga desisyon. Buhay ang nakasalalay minsan kaya dapat ay sigurado. Hindi baka o siguro. Dapat sure 100 percent. Nag-aral din ako nang iba't ibang wika para hindi rin ako mahirapang makipag-communicate sa mga makakasalamuha ko o di kaya ay kagrupo namin na nagmula pa sa ibang bansa. Bihasa rin ako sa paghawak at paggamit ng mga baril. Mayroon akong kwarto rito na puno ng armas. Sarili ko lang ang pinagkakatiwalaan ko simula nang pasukin ko ang mundong ito. Kahit sino ay pwede kong maging kalaban lalo na't personal na interest ang namumuhay sa puso ng karamihan. Kahit mga kasamahan ko ay hindi alam itong lugar na ito. Pinili kong manirahan dito dahil walang nakakakilala sa akin dito. Isang pinagkakatiwalaang patao lamang ang pakilala ko sa kanila. Pati mga dala kong IDs dito ay puro peke. Mas mabuti na ang maingat. May hide out din ako kung saan ko iniiwan ang iba kong mga gamit. Doon ko itinatago itong sasakyan na gamit ko patungo dito sa Santa Monica. Ito lang ang naging paborito kong lugar. Wala pa akong naging kasintahan. Wala kaming relasyon ni Violeta. Pwede pa f**k buddies kapag nandito ako sa Santa Monica. Pero yung mamimiss ko siya kapag wala siya sa paligid ko, walang ganon. Madali lang makakuha ng babae kung iyon lang ang kailangan ko. Mahirap makipag-relasyon kung ganito ang linya nang trabaho ko. Ayae kong ipakipagsapalaran ang buhay ng aking mga mahal sa buhay. Kaya wala akong panahon sa love life na sinasabi nila. Masaya na ako sa buhay na ganito at magsilbi sa bayan. Pagod ako sa byahe pero hindi ko naman mapahindian si Violeta kaya ngayon doble ang pagod ko. Ipinipikit ko ang aking mga mata pero ang magandang ngiti ng babae ang aking nakikita sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Hindi ako sigurado kung saan ko siya nakita kung ngayon lamang siya nagkaroon ng commercial. Pabaling baling ako at pinilit kong makatulog dahil mamaya ay nandyan na naman si Violeta at hindi iyon papayag na walang mangyayari sa aming dalawa. Dito na rin siya natutulog. Sinusundo lang siya kapag may biglang problema sa kanyang club. May mga nag-re-raid din minsan at doon siya nagkakaron ng problema. Hindi ako nakikialam sa mga ganoong bagay. Personal niyang problema iyon at bawal talaga dahil wala siyang permit. Nagising ako at madilim na sa labas. Nakatulog din pala ako at napahimbing pa. Panaginip pala 'yong nakaharap ko ang babaeng may magandang ngiti. Kung hindi pa ako kinatok ni Violeta ay hindi ako magigising. Naudlot ang panaginip ko. "Aki, darling, gising na! Nakaluto na ako!" narinig kong wika nito sa labas ng kwarto. Ini-lock ko kasi ang pinto ng aking kwarto. For security purposes din kahit na wala akong alam na kalaban dito. "Lalabas na!" sagot ko dito para tumigil na sa pagkatok. "Bakit mo kasi isinasarado ang pintuan mo? Hindi tuloy ako makapasok dyan. Pati ang susi ay wala dito. " reklamo niya sa akin. Bumangon na ako at nag-CR para makapagmumog at hilamos. Umihi na rin ako. Nakasuot lang ako ng cotton shorts at wala akong suot na pang-itaas kaya kitang kita ang aking abs. Isa ito sa gustung gusto ng mga babae. Isa na roon si Violeta. " Ang tagal mo namang magbukas ng pinto! Akala ko may babae ka na sa loob! " sumilip pa ito pagkabukas ko ng pinto. "Napasarap ang tulog ko. Sobrang pagod na pagod ako." sambit ko sa kanya. "Mamassage kita mamaya para mas masarap ang tulog mo mamayang gabi!" wika nito at kinidatan pa ako. "Anong niluto mong ulam?" tanong ko sa kanya. "Tinolang manok para masabaw!" sagot niya sa akin. Umuuwi ako sa bahay ko sa Manila minsanan lang at hindi ganito ang mga inihahain nilang pagkain doon. Dito lang ako sa probinsya madalas makakain ng ganito. Nagugustuhan ko naman. Kumain kaming dalawa. Sinusubuan pa ako kahit may sarili naman akong pinggan. Tinatanggap ko na rin, para hindi siya magtampo. Malaki rin pakinabang ko sa kanya, kaya dapat lang din na suklian ko. Ganito lang ang buhay dito. Kain, tulog, at pagpapaligaya ng aming mga katawan. Sa loob ng isang buwan, ganito ang magiging takbo ng buhay ko. Kasama si Violeta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD