AKI's POV Hindi ako napagod sa trabaho ko, napagod ako sa pagsasalita. Parang kahapon lang na nasa mansion ako. Mabait naman si Sophie Paige, hindi siya matapobre tulad ng iba. Para nga itong walang ka arte – arte sa katawan. Ang dami lang tanong parang si Mommy. Ganoon ba talaga ang mga babae, may nasasabi sa lahat ng bagay? Muntikan na akong maubusan nang sagot sa kanya. Pati pala ako ay ino-observe niya para itanong niya kung bakit wala akong suot na wedding ring. Hindi ko alam kung may boyfriend na ang dalaga. Umiiwas nan ga ako nang tingin sa kanya dahil kapag nakikita ko ang mukha niya ay nahahalina akong pagmasdan siya. Iba ang kanyang ganda, sa mga nakasalamuha ko ng kadalagahan. Hindi ko alam kung dahil ba bata pa siya? She’s 21 years old at ito ang nagugustuhan ni Mommy. Bodyg

