Naalimpungatan ako ng may marinig akong umiiyak. Kalapit ko ang laptop ko kung saan maririnig o makikita ko si Sophie. Pinalitan ko ang phone ko ng laptop ng makuha ko ito kagabi. Lumabas ako para kunin ko ang ibang gamit sa hide out ko. Sa laptop ko ko na naka-connect ang CCTV sa kwarto ni Sophie. Hinintay ko pa ito kagabi makatulog bago ako pumikit. Anong nangyayari dito at umiyak. Iminulat ko ang aking mga mata para makita ko kung anong nangyayari dito? May mali yatang nangyayari dito, binabangungot si Sophie kaya kinuha ko ang susi na nasa table dito. Hiningi ko ito kay Manang Celia for emergency purposes at heto na nga kailangan kong buksan ang kwarto niya na lagi kong ibinibilin na i-lock. Tulog na nanan ang bantay nito sa gabi. Nakapasok na naman ako ng hindi niya namama

