AKI’s POV I’ve just finished my birthday cake. This unforgettable day will forever be etched in my heart. Thanks to Sophie. She gave me three wishes, and I’ve already used one. Time for the second. Naka-upo na ang aking Sophie rito sa counter top at nasa pagitan ako ng mga hita niya. Magkayakap kami at panaka-nakang halikan. Natanggal na ang pagkakapusod ng buhok niya na inayos ko. Kaya ngayon ay inilalagay ko sa gilid ng kanyang tainga ang mga naligaw na buhok. Hindi ko talaga maipaliwanag kung ano ang meron sa mukha niya kung bakit nakakahalinang pagmasdan. Lahat perpekto, wala akong masabing may mali. Lahat maganda kaya ang sarap niyang titigan. “Mabuti hindi ako ice cream, kundi natunaw na ako sa mga titig mo.” humahagikgik niyang sambit sa akin. Pati ang tawa niya hindi nakakas

