SOPHIE’s POV Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit na binili ni Shadow at gusto ko itong sibukan agad ngayon. As in now na! May yumakap na naman mula sa aking likuran, Hinawi pa nito ang mahaba kong buhok papunta sa kabilang side ng aking balikat para may access siya sa aking leeg at hinalikan nga ako nito na ikinakiliti ko na naman. “Hmmm, Shadow, pwede ba natin simulan ang session ngayon? Sa bedroom na lang habang nakahiga ka at wala kang saplot.” Sambit ko dito habang abala pa rin ako sa mga brushes at siya naman ay abala sa pagpapak sa aking leeg. Hindi ko mapigilan na mapahalinghing. Ginagalit lang ako nito kung papatulan ko siya. Kung bibigay ako ngayon baka maghapon na naman naming gawin. Mamaya na lang. “Make love to me, my Sophie.” Bulong nito at tainga ko na ang hinahalikan.

