SOPHIE’s POV Ngayon hindi na ako nananaginip, totoong papasok na ako sa paaralan. Ilang beses ko pang kinurot ang aking sarili para lang masiguro na hindi na ito panaginip. Natuwa ako nang sabihin ito sa akin ni Agent Leis. Swerte ang bago kong bodyguard dahil nagkaroon ng katuparan na makabalik ako sa school. Naliligo pa lang ako ay kung anu-ano na ang iniisip kong gagawin. Kung susundin ko ba yung nasa panaginip ko o hindi. Pwede naman yung part lang kay Mark at hindi yung kay Shadow. Ayaw kong mangyari pero paulit-ulit naman sa isipan ko. Malaki ang tanda sa akin ni Shadow, doon ako sa kaedaran ko lang para parehas kami ng trip na dalawa. Diretso bihis na ako at bintbit ko na ang aking bag para hindi na ako aakyat mamaya. Paglabas ko ng pintuan ay nakatayo na si Agent Leis. “Good

