Pag dating nga sa bahay ay isinuot ko kagad ang heels. pinanindigan ko talaga ang pagsusuot ng sandals na may 5 inches ang heels.
Sa mga pag paparinig sakin ng apat na bruha mas binibigyan nila ako ng rason para galingan. Akala nila ha lalaban ako. matutunan ko lang maglakad ng naka heels talagang hindi ako papatalo.
Nakaharap ako ngayon sa whole body mirror sa aking kwarto. suot ang heels nagpapraktis akong mag lakad. talagang pumipilantik yung balakang ko sabay ng AMAKABOGERA na tugtog.
Lumalalim na nag gabi pero patuloy padin ako sa pag rampa mejo nakukuha ko na ang paglakad sa gantong kataas na heels
well , ganito kasi talaga ako. kapag may gusto akong matutunan ayy talaga namang pinupursige ko. kaya itong oag heheels na ito saglit lang sakin to.
Ako si Arney Mendoza AMAKABOGERA! HAHA tatawa tawa akong nahiga sa aking bed. nakatulog na nga masakit na sakong sakong ko eh.
Another day . Another Life . Sana all goods ang mangyari today. Please lord ilayo niyo po ako sa tukso, ilayo niyo po ako sa mga maldita at baka hindi ko napo matancha at masaktan ko napo sila. Gusto ko lang po mag aral ng maayos at makapag tapos. Amen.
Maaga akong nagising. Syempre nag workout ako para mas lalo akong sumeksi.
Very light lang din ang pagkain na inihanda ko. para hindi ako mag gain ng timbang. Dahil iniinis nila ako makikita nila lalabanan ko sila.
Miyerkules ngayon. Bukas ay makikipagkita uli kami sa ate ni hershey na si ate kisses.
Pagkakita palang sakin ng mga kaibigan ko ay agad na nila akong nilapitan.
Ano? Nakakalakad kana gamit ang killer heels mo?
Mejo kaya ko na kaso ang sakit na ng sakong sakong ko HAHAHAHA
Sa una lang yan masasanay kadin.
libre kaba mamaya?
Bakit?
may appointment si ate bukas kaya ngayon nalang daw niya tayo iientertain.
ganon ba? oh sige wala naman problema.
wag kana pumasok mamaya sa oang hapon na class mo.
huy hindi pwede noh hindi ako pwede mag absent. alam mo naman scholar lang ako eh
para sana maaga tayo makapunta sa salon nila liezel. papa makeover tayo actually ikaw lang sana kaso nainggit kami kaya magpapa makeover nadin kami
babaita! wala akong budget para sa ganiyan.
Maliit na bagay. Sa mommy ko naman yung salon. Wala kang gagastusin. pero itong si hersh pagbabayarin ko to mas mayaman pa sakin to eh.
Sumimangit naman si hersh.
Bibigyan kita ng discount o.a mo!
Sige na nga. unfair mo! haha
Afterlunch ay dating gawinhindi siya kaagad nagpunta sa classroom kung saan classmate niya ang apat na kontrabida. hinintay niya muna uli ang prof at ng matanaw na ito ay nilapitan niya ito at binati. Sabay na silang pumasok sa classroom kaya hindi na nagawa pa ng apat na gumawa ng iskandalo.
3:30 pm na. nang mag dismiss ang prof ay dali dali siyang lumabas. haha ayoko na makita pa si vince na sinusundo ang jowa niyang maldita.
Sakto pala na ngayon kami magkikita nilanate kisses dahil bukas ay may practice ang mga candidates ng MS. CIU
Sana lang matagalan kong kasama yung dalawang siyam ata ang sungay sa sobrang katarayan.
Arney lets go! Nagkita kita na kaming apat at dahil gabi pa available si ate kisses dumiretso na kami muna sa salon nila liezel.
Malaki din ang salon nila liezel sa loob ng mall ito matatagpuan.
Kung anu ano ang pinag gagagawa ng mga to. Nagpatreatment kami ng buhok pinakulayan nila ang buhok ko ng chocolate brown, habang binababad ay nagpafacial at body scrub kami. nagpagawa din kami ng kilay. so yung may kakapalan kong kilay ay binawasan at kinortehan.
dahil kompleto na dito sa salon and spa nila liezel ay naisipan din nilang mag pa brazillian wax. nagpawax kami ng legs at ng singit haha para naman daw kapag nag suot na ako ng two piece ay walang sisilip na hairlalo.
kung kanina sa body scrub ay narerelax ako at mejo nakakatulog ngayon sa waxing ay gising na gising ako. Mapapahiyaw ka sa sakit.
Sorry na mahina nag pain tolerance ko.
After ng lahat , natapos din. At ng makita ko ang kabuuan ko sa salamin. hala s**t! Ako paba to??? Ang ganda ko pala.
Arney! pagtawag sakin ng tatlo.
Ang gandaaaaaaaa sabay sabay na tili ng mga ito.
Sabi ko na nga ba maganda kana pero mas may igaganda kapa eh.
hala Arney ang ganda ganda mom artistahin ang peg mo day
Panlaban kana kay christine na yun lalo na sa shane na yun.
Ay grabehan talaga ang beauty mo!
Uy guys lets go na. Nasa bahay nadaw si ate. Nakakahiya naman kung paghihintayin pa natin.
Pag dating nga sa mansiyon nila hershey ay agad silang sinalubong ng mommy at ate kisses ni hershey
magandang gabi po tita at ate kisses . bati nila
Agad naman napansin ng dalawa ang pagbabago sa mga kaitsurahan nila.
Ay wow ang gaganda nyo naman ladies.
oo nga mommy ang blooming ng mga babaeng ito. pag sang ayin ni ate kisses
Lets go upstairs na. para makapag start na tayo. are you ready arney?
Ang ganda mo girl. Dapat matuto ka mag rampa para maisama kita sa modelling ko. May K ka girl. Push mo promise. mairerecommend kita sa boss ko.
Ahh pag natuto ako ate kisses pag iisipan ko po nahihiya pa niyang sagot.
Lets start.
Tunuruan ako ni ate kisses na maglakad, tamang pag ikot, timing ng pag talbog ng balakang at tamang hawi ng buhok. maging kung kelan mag pipierce at kung kelan mag sweet smile.
Madami silang pinasukat sakin na damit dresses pati two piece na ibat ibang design. may sport wear.
Pinag suot nila ako ng two piece at pinag lakad ng bongga at sa huli nga ay nakuha ko din ang tamang timplada.
Naglakad ako ng may buong kompiyabsa sa sarili. pinag buti ko ang pag kembot ng aking mga balakang sa isip ko ay nag piplay ang AMAKABOGERA. Taas noo akong naglalakad na may matapang na awra at ng humunto ako upang umikot at mag pose ay buong tamis na ngitinang ginawa ko.
Nag hihihiyaw at malakas na palakpakan naman ang aking mga supportive na audience.
Te panalo ! palong palo ! hiyaw ni maryjane
Pwede naba? Papasa naba ko?
pasadong pasado. sabay sabay pang sabi ng mga ito.
Nakangiti lang na nakatanaw samin si tita ang mommy ni hersh. At proud naman na nag thumbs up si ate kisses. para bang sinasabi niya na magaling siya mag turo.
Nakauwe na siya at pinabitbit na ni ate kisses ang mga damit na gagamitin niya at dahil daw sa madami naman itong damit ay ibingay nalang sakanya nag mga binitbit nya.
May 2 rubber shoes white at black iyon, may 3 pares ng high heels black white at silver iyon. tuwang tuwa at galak na galak ang babae dahil talaga namang branded at halos brandnew pa ang mga gamit ni ate kisses. Binigyan pa siya nito ng 2 bag na channel ang tatak. may mga dress din pamasok para hindi naman daw palaging ragid ang pormahan niya at ng lumabas daw ang nakatagong ganda niya.
oh diba? napaka bait ng pamily takaga ni hershey nakakainggit. kaya siguro sila pinagpala lalo dahil mabait silang tao.
Ang sarap pala sa pakiramda na may mga gamit kang pambabae as in mafifeel mong babae ka. hahaha basta ganon yung feeling
Maya maya ay nakapa received siya ng text message galing umanonsa student counsil at sinasabi na hindi na nila kailangan pumasok bukas sa pang hapon nilang klase dahil magkakaron sila ng practise. para sa pag rampa nila. at wala naman daw umanong problema dahil excuse nadaw sila sa mga prof nila.
Nakahinga naman siya ng maluwag kung maaari ksi ay ayaw niyang maapektuhan ang academics niya. ayaw niyang umabsent or mag cut ng klase. kaya naman nakaramdam ako ng kaginhawaan