Nag taxi ako pauwi sa bahay. diko keri mag jeep ng labas ang pusod eh.
Pag dating ko sa bahay ay nagulat pako na nakatayo si Christ sa may pintuan ng unit ko.
Mukang nakita nako nito at sinalubong ako ng killer smile niya.
Oh? ginagawa mo? sabi ko dito
Ito pinuntahan ka. Namiss kita agad eh haha
Sus.
Napansin niya agad na hinagod ng tingen ni Christ ang ichura niya mula ulo g**g paa. at natigilan ito sa bandang tyan niya.
Nagsusuot ka pala ng ganyan?
Naku hindi. tara pasok muna tayo. sa loob ko nalng kukwento sayo.
at agad binuksan ang pintuan.
maiwan muna kita dito ha. akyat lang ako sa taas papalit lang ako ng damit amoy kape ako eh.
bakit? naligo kaba ng kape?
hindi noh. pinaliguan kamo ako ng kape. wait kwento ko later. bihis muna ko
After a several minutes, wow english yarn? haha bumaba nako.
Nababaan ko si Christ na nagtatype sa cellphone niya nakangiti ito kaya inasar ko ,
kinikilig yarn? inlove na inlove ahh. jowa mo ba yan ?
Ha? mukha naman itong nagulat ng magsalita siya hindi pala namalayan ang pag baba niya.
No! it's just my little sis! May kinukwento lang, natawa lang ako kasi she's still childish.
Sana all talaga may sweet na kuya
Ngumiti lang ito. How's your day!
Savage !!! Hahaha tumatawang sagot ko.
Ito nga kasi.
I didn't expect my classmate na ijoin ako sa contest. Nahihiyang panimula niya
Anong contest ba yan?
MS. CIU 2022 !!
OH?
gulat ka naman? hindi ko ba deserve? tanong ko uli.
No. Na amaze nga ako eh.
amplastik mo Christ ! haha E yun nga nilista nako tas hindi na pwede ivoid yun! as in wala ng bawian. so, no choice ako kundi pangatawanan ko nalang ! Imagine mo ang daming ka ek ekan may pa sports wear, may long gown may talent pa tas ito pa pinaka hindi ko keribels two piece competition din. Nilalamig ako iniisip ko palang na makikita ako ng mga taong naka panty at b*a lang .
Pwede ba ako manood?
Laglag ang pangang nagulat siya sa tanong nito
So gusto moko makitang naka two piece?
oo!! mabilis na sagot nito na tumatango tango pa. pero mabilis din itong bumawi ng I mean friends tayo diba so dapat lang na suportahan kita.
pano moko susuportahan?
moral support ?
tse!
pano mo ba gustong suportahan kita??
ipag gawa moko ng banner nakalagay GOOD LUCK TO YOU ARNEY MENDOZA!!! IM YOUR NUMBER 1 FAN !!!
ganyan dapat ang nakalagay. pero syempre nagbibiro lang siya
Okay. tanging naisagot nito.
sa isip isip ni Arney ay waley ang jokes niya dahil mukhang hindi natawa ang binata
Hoy ! dadalawa dalaw ka dito tas wala ka manlang palafang na dala.
Hindi ko kasi alam kung ano kakainin mo kaya aayain nalang sana kitang kumain sa labas.
kain sa labas as a friend lang ha. hindi to date nakuuuuu Christ wag kang mag tangka . tumatawang sabi ni Arney.
Sayang naman . pwede bang special? special friend ganon haha natatawang sabi din ni Christ pero half mean thaha
depende sa lafang HAHA patay gutom ang feg ng ferson haha
kakamot kamot sa ulo si Christ. nag eenjoy talaga siya sa company ng babaeng to. hindi kasi siya nagpapacute kagaya ng ibang babae na halos lumuwa na ang dibdib sa pang aakit sakanya.
Bihis lang ako. May bago kasi akong friend binigyan nya ko ng mga masusuot. Dahil ikaw naman ang kasama ko gusto ko matry for a change lang ganon. pwede ba? pero sabihin mo sakin kung pangit or kung bagay naman ganyan. i judge moko para hindi naman ako mag mukang trying hard
natatawang umuo nalang si christ. very natural talaga pagiging cute nitong babaeng to.
Pag baba nga niya ay suot niya ang isang light brown floral dress na pa V ang design. simple lang ang tabas pero nabigyan niya ng hustisya ang dress. nahulma lalo ang ganda ng kanyang dibdib at dahil sa semi fit ito ay bakat na bakat ang kurba ng kanyang katawan. itinerno niya dito ang black na high heels na bigay ni ate kisses pati ang bag , nag apply din siya ng light lang na makeup.
Natulala naman si Christ pagkakita niya sa dalaga. Maganda ito oo, pero parang nagpalit ito ng personalidad. Nag muka itong beauty queen 5'7 ang height ng babae at mas lalo pang nagmukang matangkad sa sandals na suot.
Hoy! tulala ka na naman jan. i judge mo nako
perfect !!! you are so beautiful Arney!
totoo ba? baka naman iniechos mo lang ako. hindi ba ako baduy or mukang trying hard.
hindi noh . masyado kang perfect . swear
Tse! bolero. tara na nga! san moko ide- date?
Natigilan si Christ . Nagustohan niya ang itinanong nito sakanya
date as a friend ibig kong sabihin. wag kang malisyoso Christ natatawang pambubusit niya sa binata
Ahhh s-sige m-may a-lam akong p-place . ako bahala. napapalunok sa sariling laway na tugon niya.
Napaka lakas ng appeal ni Arney. Sobrang apektado ako kahit sa simpleng kilos lang nito.
Sumakay na sila sa kotse niya.
Sumasama padin talag ang loob ko sayo Christ. biglang wika ni Arney dito
ha? bakit naman?
akalain mong may kotse ka nga talaga tapos hinayaan mong sumakay tayo ng jeep. tapos magbabayad kapa ng card kay manong haha natatawang sabi ni arney kaya naman natawa nadin siya ng maalala nga ang nangyari nun
Natatawa ako ano ba yan! pano yung mukha ni manong nun mukhang tataas na ang presyon ng dugo.
Kaw naman kasi. hili hila moko kagad malay ko ba. natatawa ding sagot niya dito
nagpahila ka naman kasi hindi ka manlang pumalag. kaladkarin ka pala Christ eh.
haha natawa na lang din siya. puro tawanan ang buong biyahe nila. nawawala yung poisture niya bilang isang Acting CEO at isa sa mga pinaka batang successful na business man sa bansa.
Kapag si Arney ang kasama niya piling niya normal na tao lang din siya na walang mataas na posisyong pinaghahawakan sa larangan ng negosyo. kadalasan kasi sa mga nakakaharap niya ay takot sakanya. samantalang itong babae sa tabi ko ay madalas akong binabara at pinag titripan , madalas pa nga akong singhalan eh. pero natutuwa naman ako.
Inihinto ko ang sasakyan sa paborito kong italian reastaurant. dito ko madalas idate yung kapatid ko. masyadong demanding yun at dito ko lang nadadala yun.
Ay wow napaka ganda naman dito. Asa labas palang kami pero manghang mangha na si Arney.
Hoy Christ bakit dito mo naman ako dinala? okay lang ako sa karinderya noh
tinignan siya ni christ mula ulo g**g paa. pano kita idadala sa karinderya eh tignan mo nga yang itsura mo. Pang class kaya iyang outfit mo tonight tapos karinderya lang kita dadalin. syempre hindi noh proud pa na sagot nito
hala oyyy walang ibig sabihin yung pagda damit ko. gusto ko lang mapractise yung selfconfident ko para masanay ako magsuot at humarap sa mga tao na ganito itsura para sa pageant eh hindi ako mahiya.
mahabang paliwanag ko. pero tinignan lang ako ni Christ at hinila ang kamay ko papasok sa loob.
Eh di practise mo nadin to bulong niya sakin. na may pang aasar na ngiti
Lingid sa kaalaman ni Arney na sa loob pala ay may mga mata ng nakatutok sakanya.
Vince POV
Inaya ako ni shane mag dinner tonight oara daw good mood siya for tommorrow's event. BUKAS na kasi gaganapin ang MS.CIU 2022!
Hindi naman ako tutol sanay na akong nakikita na naka two piece ang nobya ko maging naka sexy dress. madalas ko siya isama sa mga outing namin ng tropa.
Hindi na ako naka hindi pa dahil bumabawi nga ako. Agad ay sinundo ko siya sakanilang bahay at nag punta kami dito sa paborito daw niyang italian restaurant.
She's beautiful. a face that made me crazy for almost 3 years now . i think she's the one i want to marry in the future. i will give her a happy family that she's always dreaming for.
We're almost done having our dinner. Then suddenly i've look at the window to see the graywhite car arriving and parked outside.
I dont know why but i have this feeling i cant really explain that i'm intersted to see who's inside that car.
At ng lumabas nga ang isang makisig na lalaki. sa itsura nito mukha itong batang businessman or ceo. at he didn't expect to see the next thing
is that Arney?? gulat at agad may galit sakanyang dibdib ng maoagtantong si Arney talaga yun.
kung anu ano agad ang pumasok sa kanyang isipan. Desperada na ang babaeng ito. Nung una ay si Mark ang dinidikitan nito ngayong wala na ang kaniyang kaibigan ay iba na namang mayamang lalaki ang sinasamahan nito. tapos sasali pa siya sa MS CIU? Para ano? Hanatarang ibenta ang kaniyang katawan.
Kaya siguro wala lang dito na nakuha ko ang kaniyang p********e dahil siguro ganito ang gagawin ng dalaga.
Nag offer naman ako ng financial sakanya ngunit hindi niya tinanggap. Mas gusto niya pa ang maging ganito. marahil ay may kalandian talaga g taglay ang babae.
naikuyom niya ang kaniyang kamao. Agad ay tumayo na siya at baka kung ano oa ang magawa niya. galit na galit ang pakiramdam niya pero hindi niya padin maisip kung bakit nga ba siya nagagalit ng ganito