Inihatid ni Mark si Arney sa unit na tinutuluyan nito. At doon ay bumuhos ang mga luha nilang dalawa ng isalaysay ni arney ang naganap nung gabing isinama siya nito sa condo nito.
Labis na pagsisisi naman ang nadama ni Mark kung sana nasundan ko kaagad sila eh di sana hindi hahantong sa ganito. Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon kay vince. Kahit pa childhood friend kami ay hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay arney. Hindi ko makakalimutan ang pambababuy na ginawa niya sa babaeng nagpaparamdam sakin ng tunay na pagpapahalaga. Nakaka guilty lang dahil pakiramdam ko useless ako sakanya
Naiintindihan ko ang sitwasyon niya. Hindi niya sinasadya sa saglit na panahon pa lamang namin na pagkakakilala ay alam kong inosente siyang babae. Tanggap ko ang nangyari at mas lalo ko pang napatunayan sa sarili ko na hindi pagkakaibigan lang ang nararamdaman ko para sakanya kundi pagmamahal at tunay na pagmamahal
Ngunit dahil sa nangyari ay hindi ko na muna dadagdagan pa ang kaniyang isipin. Sasarilinin ko nalang muna ang aking nararamdaman para sakanya. Hindi pa ito ang tamang panahon para magtapat ng pag ibig.
Nalaman ko din ang nangyayari saknila ng grupo ni shane christine lea at jazz.
Kaya naman nang magpaalam ako sakanya nanuuwi na ay dali dali akong nakipag kita sa apat. Mabilis ko naman napapayag ang apat na kitain ako sa sinend kong address ng cofee shop na oag aari ko.
Yes. Kahit college student palang ako ay may sarili na akong business. At ang coffeeshop na ito ay ako mismo ang nag patayo sa bulsa ko mismo kinuha ang pinampuhunan ko dito. Maabilidad kasi ako kaya nga oroud sakin ang parents ko dahil kahit madami na kaming business na hawak, i managed to have a business on my own.
Dumating na nga ang apat. Kinompronta ko sila sa kung anuman ang namamagitan sa kanila ni arney. Sinabi kong tigilan na ang babae dahil kung hindi ay ako mismo ang makakalaban nila.
Im a business minded person so may mga hawak akong sekreto na hindi nila gugustuhing suwayin ako. Ngayon nila ako lubusang makikilala dahil sa bukod sa napaka bait at magaling akong makisama ako, tuso ako makipag laro. Hindi ako sumusugod na walang bala at extrang bala.
Tila hindi makapaniwalang ang mga babaeng ito. Agad din akong nag paalam sakanila.
Ngayon kampante nako na matatahimik na si Arney sa CIU. Ayoko ng may bumabagabag pa sakanya. Handa akong gawin lahat para lang sa ikakapanatag ng kalooban niya.
Kinabukasan
Inihatid ni mark si arney sa classroom nito. Madalas din silang magkatext.
Napag pasyahan ni arney na wag na lamang pansinin ang mga bruha. Tutal pag aaral naman ang priority nya kaya hindi na lamang niya ito gagawing big deal. Kahit ramdam ko ang tingen ng ibang tao sakin ay dedma lang ako. Isa pa, palagi naman nasa tabi ko lamang si Mark kaya ayos na ang pakiramdam ko .
Natanaw ko na nga ang grupo ng mga bruha papasok sa aming classroom. Bukod sa katakot takot na irap ng mga ito sakin ay magaan naman na natapos ang araw ko. Nakakapag takang hindi ako pinaparinggan ng mga ito
Lumipas nga ang dalawang linggo at naging tahimik at payapa ang buhay ko dito sa university.
Masaya ko dahil napeperfect ko ang mga exam at quizzes ko. Minsan pa ngang nagkaron ng debates kalaban ko ang grupo ng mga bruha and syempre grupo ko ang nanalo take note sa pangunguna ko.
Oh diba ganyan ako ka smart.
Pero lahat pala may hangganan, hanggang sa isang gabi. May nag doorbell.
As usual ang palagi kong bisita walang iba kundi si Mark. Pag bukas ko ng pinto ay sinalubong agad ako nito ng yakap. Nakakapanibago lang, kasi parang ang lungkot ng awra niya ngayon.
Mark may problema ba?
Aalis ako Arney. Sa malungkot na tinig nito
Ha? San ka naman pupunta? TO THE MOON , VROOM VROOM, SKURT SKURT .. biro ko pa
America.
Hindi siya natinag talagang malungkot siya. Tipid itong sumagot wari moy anytime kasi ay bubuhos ang luha nito.
Mark naman eh. Naiiyak ko nading sabi.
May kailangan kasi akong gawin eh, emergency.
Kelan ka aalis?
Ngayon na.
Ha? Pinaprank mo ba ko Mark? Bat ambilis naman , naiiyak nako.
At dun ko napansin ang maletang itim na nakasandal sa gilid ng pintuan.
May business kasi kami na kelangan tutukan asap. Kahit ako nabigla eh pero wala naman ibang makakatulong ang dad ko kundi ako. Imsorry arney
At tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Pinunasan ni mark ang mga luhang iyon ngunit agad ding tumulo ang luha sa mga mata niya. At pinunasan ko din yun.
Magtatagal kaba dun mark?
Hindi ko masasabi. Pero promise once na masettle ko yun. Uuwi agad ako dito. Babalikan kita Arney.
Kung ganon hihintayin kita Mark. Umiiyak ko pading sabi.
Sorry kung iiwan muna kita for now ha, basta promise mo sakin hihintayin moko. At mag aaral kang mabuti ,okay ba?!
May magagawa paba ako? Eh naka nakamaleta kana. Nagpaoatawang sabi ko habang pati uhog ko tumutulo din.
Natawa naman siyang malungkot. Kung pipigilan moko hundi ako aalis. Seryosong sabi nito.
Para sa family mo yan Mark. Hindi naman ako selfish. Masyado ka ng madaming naitulong sakin kaya hihintayin nlang kita hehe
Eh kung sumama ka nalang kaya sakin?
Haha baliw. Kung pwede nga lang diba para makarating nako ng america magpipicture ako dun pamalit DP sa sss. HAHA
JOKE lang pinapatawa lang kita. So ingat ka ha. Kapag hindi ka busy tawag tawagan moko. Balitaan tayo.
Sure. Basta mag aral ka maigi ha. At wag ka ng lalapit kay Vince.
Sino yun? Kunwari kong tanong
Sus. Sagot niya.
Oo. Ito naman. Nakalimutan ko na nga yun pinaalala mo pa. Oh sige umalis kana at baka mag bago pa isip ko at hindi nankita paalisin.
Eh kung wag nalang kaya ko umalis jowain mo nalang ako. Tumatawa ng sabi nito.
Baliw.
Seryoso ko.
Tse! Larga na baka malate kapa.
Oo na. At niyakap nya akong muli. Basta hintayin moko ha. Bulong pa niya.
Oo nga ulit ulit unli? Hehe message moko. Pag talikod ni Mark ay agad kong isinara ang pinto at agad agad tumulo na naman ang mga luha ko. Mark naman eh. Bat kailangan mo oang umalis. Iyak ako ng iyak. Pano nako ngayon sanay nakong kasama ka.
Nakakalungkot naman.
At kusang nagbaliktanaw ako sa nakaraan kung saan una kong nakita si mark. At lalo akong naiyak mas nadoble yung lungkot na naramdaman ko.
Siya kasi yung naging bestfriend ko dito. Siya palagi kong kakampi. Napaka dami na agad pala naming happy moments syempre may mga sad din naman. Hihintayin kita Mark! Sana bilisan mo lang kasi ngayon palang namimiss na agad kita. Halos mag damag akong umiyak. mahapdi na yung mata ko at pakiramdam ko tuyo na ang pinag kukuhanan ng luha ko pero sa twing babalikan ko ang mga pinag daanan namin ay iiyak na naman ako. Sa twing iisipin ko naman ang mga dadating na mga araw na wala ng Mark sa tabi ko ayy naiiyak na naman ako.
pati ulo ko masakit na pero ayoko padin tanggapin na wala na si Mark. Shuta te nag america lang hindi pa pumanaw, makawala naman ako wagas.
at narealize ko nakakabaliw pala kapg nasobrahan sa iyak haha kakausapin mo yung sarili mong mugto na ang mata.