Nakarating sila malapit lang sa condo unit na tinutuluyan nya. Syempre amg alam lang niyang lugar ay paikot lang sa tinitirhan niya hindi naman kasi siya gala.
Nung si Mark ang kasama niya ay palage naman sila nakasakay sa sasakyan nito. Speaking of Mark. namiss na naman niya ito.
Bumaba na ang dalawa dalawang kanto lang ang layo sa building ng unit niya.
Sa mamihan niya ito dinala.
Where's the restaurant ?
Hoy! sabi ko sagot ko pero ako pipili wala akong sinabing restaurant noh. Asa ka naman? kuripot kaya ako.
Sa katunayan kanina niya lang nakita ang mamihan nato habang sakay siya ng tricycle papasok sa eskwelahan.
Nakunot ang noo ng binata.
Dalawa pong mami manong chaka
Hoy anong sayo? pepsi oh 7 up?
Kanina kapa hoy ng hoy sakin may pangalan naman ako eh.
Naisip nga ni Arney. kaw kasi hindi mo kagad sinasabi pangalan mo.
Im Christ. Sabay abot ng kamay niya.
Arney at your service sir sabay saludo nito. Natawa naman si Christ.
Oh Christ ano drinks mo pepsi ba o 7 up?
bahala kana kung ano sayo yun nalang din sa akin.
Okay. Manong chaka dalawang pepsi.
Maliit na pwesto lang itong mamihan pero madami ang kumakain. may maliit na lamesa naman kung san nakaupo na ang dalawa.
isinerve na ang mami nila.
Oh eto sayo. Mukang masarap diba? Tara lapangin na natin habang mainit pa.
Bumulong siya kay Arney.
Malinis ba to?
Mukha namang oo. Hoy wag ka nga maarte. Chaka okay lang paminsan minsan makakain ka ng hindi malinis mas masarap nga iyon eh
Nakita niyang natigilan ang binata. Joke lang haha malinis yan. Kain na tayo.
Nung una ay nag aalangan pang sumubo ang lalaki ngunit nagulat nalang siya ng umorder pa uli ito ng isa at isa pang mangkok.
Nagkakamot sa ulong nakatingen lang si Arney dito parang biglang nagtatakbuhan yung kuto sa ulo ko. Ang gwapo gwapo ang lakas lumafang mga sisss nagtitipid nga ang lola nyo. Haru jusko
Gutom na gutom ka ah! Pansin niya dito
Masarap pala to. Nakangiting sabi nito sakanya.
Mayaman kaba o nagpapanggap ka lang na mayaman para malibre ka. ikaw ha!! mamay mang gagancho ka pala.
Malakas na tumawa ang lalaki.
Christ POV
Malakas akong tumatawa ngayon. Bigla kong naisip kailan ba ako huling tumawa ng ganito.
Nakatitig ako sa babaeng nasa harapan ko. Gusto ko siyang kasama. Buong buhay ko ngayon lang ako may ginusto. Bata palang ako ay palagi ko ng sinusunod ang gusto ng mga magulang ko. Maaga akong namulat sa pag mamanage ng negosyo ng parents ko, kaakibat din nun ay ako nadin ang tumayong magulang sa kapatid kong babae. Madalas wala ang mga magulang namin siguro twice a year masasabi mo ng himala kapag nadalaw nila kami ng dalawang beses sa isang taon. may pagkakataon pa na minsan wala talagang pag dalaw ang mga parents namin.
Matanda ako sa kapatid ko ng 3 years. Im 21 now and my sister is 18 siguro kaedad ng babaeng kaharap ko ngayon. Spoiled sakin yung kapatid ko. Pinupunan ko yung absence ng mga magulang namin dahil ayoko siyang malungkot. Business minded kasi mga parents namin at talagang sa negosyo na umikot ang buhay nila. Sa abroad ang business nila kaya madalas wala sila dito. Ako naman ang oinag hahandle ng business namin dito sa bansa.
Ang totoo mula ng makita ko siya sa bus hindi na siya nawala sa isip ko. Kaya naman ng magkita kami kanina ay sobrang natuwa ako. Hindi ko alam kung pano ko siya kakausapin kaya naman nagulat nalang akonng sabihin kong magpapalibre ako. ewan ko ba nakakahiya pero pinanindigan ko nalang para magkasama kami ng matagal.
Napaka simple lang niya at masayahin. Prangka din ito na gusto ko sa tao.
Pahinga muna tayo konti ha bago tayo umalis. Ang dami mo kasing nakain - Arney
Okay sige. Salamat ha! Ngayon lang ako nakakain dito pero masarap pala. At nagpatingin tingin siya sa paligid.
Nag dududang tingin padin ang pinukol ni Arney sa lalaki.
Talaga lang ha!
Oo nga , natatawang sagot niya dito.
Ano pala ginagawa mo sa school kanina? Muka naman hindi ka estujante
Ahh kanina kasi nagpasundo yung little sis ko, then suddenly wag nalang daw kasi sinundo ng boyfriend.
Talaga ba! Parang ang sarap mo naman napalingon si Arney sa bumili kay manong kaya nabitin ang sinasabi niya
Napalunok naman si Christ.
.. maging kuya. Sana all may kuyang kagaya mo.
Nakahinga ng maluwag si Christ. Kinabahan ako sa sasabihin ng babaeng to. natatawa siya sa sarili haha
Uy tara na. Para makaupo nadin yung iba pang kakain. At tumayo na nga sila.
San na tayo?
Anong san na tayo ! malapit nalang dito ang bahay ko. Dalawang kanto lang ang lalakarin ko. ikaw pano ka uuwi niyan?
Babalik ako sa school. Andun yung kotse ko naiwan sa parking
kumunot ang noo ni Armey may kotse ka pala bat hinayaan mong mag jeep tayo! Sus
Eh hinila mo kaya agad ako. Kaya nagpaubaya nalang ako.
tsk. e di sana hindi kana mahihirapan umuwi sana ngayon
Ganon ba? Oo nga noh! kakamot kamot ako sa ulo.
So hatid kita pauwi?
hindi na! gagabihin ka.
tawagan ko nalang yung driver namin papakuha ko yung sasakyan. tapos papasundo ako sa area mo.
ha?
gusto pa kita makasama eh kaya sasama pako sainyo. kwentuhan pa tayo!
hoy! mag aaral pako noh!
hindi naman kita i storbohin eh.
Nang pumatak paisa isa ang ulan.
hala ! tara na mukang uulan. at dali dali na silang nag lakad patungo sa unit niya.
Saktong pagpasok nila sa building ay bumuhos nga ng malakas ang ulan.
oy muntik na tayo dun ah. hoy tawagan mo na driver mo at ng masundo kana niya agad
at nun nga habang naglalakad sila ay. tinawagan niya ang driver at binigyan nya ito ng instruction.
Pagpasok sa loob ng unit
hoy hindi ka naman magnanakaw noh! biro lang
Hindi sakin to ha. Actually pinapatuloy lang ako dito ng nag bigay sakin ng scholar.
alam mo na maganda lang ako pero hindi ako galing sa mayaman na pamilya inshort mahirap lang kami.
kaya kailangan ko tong scholarship para makapag tapos. well, ganon naman palgi linyahan ng mga mahihirap eh diba hehehe
nakikinig lang ang binata sa kwento nito.
So far, kamusta ka naman sa manila? sa school? tanong ni christ
Okay lang kaso mukang magkakaproblema na naman ako. malungkot niyang saad at naalala na namn ang mga pagbabanta ng tropahan ng mga malditang bruha.
oh bakit?
May nambubully kasi sakin sa school. Before nahinto naman kaso ngayon balak nilang ipagpatuloy. Pinagbabantaan na namn ako ng mga bruha
so mga babae?
oo. ewan ko ba bat galit na galit sila sa kagaya kong promdi. hindi ko maintindihan kung san nila hinuhugot yung galit nila sakin. wala naman akong pakialam sakanila, alam mo yun! hindi naman ako pumunta dito lara mag hanap ng away pero syempre hindi naman ako papayag na sobra sobra na sila noh. lalaban ako pero hanggat kaya kong tiisin ignore ko lang sila.
ewan ko nga bat hindi na lang nila ako pabayaan. magaganda naman sila at mayayaman wala naman dahilan para ma threaten sila sakin eh. gusto ko lang naman makapag aral ng matiwasay alam mo yun
ang arte ko na magsalita alam mo yun? natatawa ako sa sarili ko wala pa akong isang buwan dito sa manila pero nakuha ko na yung tono nila alam mo yun hahaha
Naku tignan mo nga ako. at tumingin nga siya sa dalaga.
ayan. tignan moko ng maigi ha!
titig na titig naman ang binata sakanyang napapalunok. ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. this time lang talaga swear. sanay ako humarap sa client sa mga business meeting ko kapag nakikipag discuss ng mga business proposal ko pero yung kaba na nararamdaman ko ngayon ay bago sakin.
Sabihin mo ngayon! May kainggit inggit ba sakin? seryosong tanong nito.
Madami! wala sa sariling sagot niya. Simple lang ang mukha ng dalaga pero may kung anong mahika na mahihipnotisno ka at hindi ka mag sasawang titigan ito.
hoy! ano?
Hoy!!
christ!
tawag niya sa nakatulala pading binata sa mukha niya
christ!
sinampal na niya ito. na nagpabalik naman sa ulirat ng binata
aray naman!! bat ka nanampal?
hahaha natawa ang dalaga sa reaksyon nito. natawa nadin siya para kasi siyang bata nakapag nakakapanakit eh bubughalit ng tawa
ano na sagot mo?
ano nga uli tanong mo?
ano ba yan?? sabi ko kung may kainggit inggit ba sakin!
oo madami nga ang sagot ko diba?!
tinaasan niya lang ito ng kilay. makakaalis kana nga wala kang kwentang kausap.
hoy! totoo naman kasi.
sabi mo nga maganda ka diba
pero mas maganda nga sila. wala akong tattong kilay tas wala din akong pekeng pilikmata at hindi ko afford mag bihis ng magagagrang damit.
kung tutuusin ako nga dapat mainggit saknila. pero hindi kunyento nako sa meron ako
exactly!
Nakukuntento ka sa kung ano man ang meron ka! Hindi ka naiinggit sakanila. kapag may contentment ka ibig sabihin meron kang happiness kapag may insecurities ka sa katawan puro anger ang makukuha mo. kaya siguro kaya galit sila sayonkaso nakikita nilang masaya ka sa kung ano lang na meron ka unlike them na hind makuntento. right?!
makesense , tipid niyang sagot at wariy nag iisip.
Nang tumunog ang cellphone ni Christ. Anjan nadaw yung driver namin. Alis nako.
Oh sige, sige. hindi na kita ihahatid sa baba ha! napapagod na kasi ako eh
Sure. Ahm Arney??
hmmm ?
pwede ba kitang mabisita kapag may free time ako. walanlang kwentuhan lang.
ahh sige basta kentuhan as a friend lang ha. natatawang sabi nya.
oo! sagit naman nito. Thanks for today. Salamat talaga nakngiting sabi nito.
Welcome. Nice meeting you Christm alam mo bang dapat malungkot ako ngayon kasi umalis yung boy friend ko.
may boyfriend kana?
i mean boy na friend . kaibigang lalaki!!!
ahhh i see. so hindi mo kasintahan kundi kaibigan lang?
yup.
pero boy?
oo. kagabi lang siya umalis papuntang america. so nagpapasalamat din ako sa pag litaw mo ngayon dahil nagkaron ako uli ng kaibigan. boy friend!! hahahaha
oh sige na. mag iingat ka ha. bye