[Juancho Archangel] "S-Sir Juancho?" Gulat akong napalingon sa likod ko nang marinig ang boses ni Cecil, isa sa mga katulong namin dito sa bahay. Nakatayo siya sa nakabukas ng pintuan, nakatutop ang kamay sa bibig at gulat na gulat. Napaatras ako palayo sa walang buhay na katawan ni Akira. Nanginginig ang buong katawan ko at nanlalaki ang mga mata ko sa sobrang bilis ng mga pangyayari. "S-Sir…ano pong ginawa n'yo kay Ma'am Akira?" nanginginig ang boses na tanong niya sa akin. Hindi ko makagawang makasagot at napapatitig na lang sa nanginginig kong mga kamay. Ang mga kamay na 'to…ang pumatay sa asawa ko… "H-Hindi…" Nag-umpisang bumuhos ang mga luha ko. "H-Hindi ko siya pinatay…h-hindi!" "T-Tatawag ako ng pulis…" tarantang sabi ni Cecil at akmang sisigaw na para humingi ng tulong pe

