[Bryan Marasigan] "Lahat naman siguro ng first love ay nauuwi sa pagkasawi. Depende na rin siguro kung hindi na kayang magmahal ng iba ng taong 'yon…at hindi niya makalimutan ang unang pag-ibig niya," nakangiting sabi ko kay Miggy. "Kaya pala wala kayong asawa, Sir. Hanggang ngayon mahal mo pa rin ang first love mo." Napangiti ako sa sinabi niya pero hindi na nag-abalang sumagot pa. Ayoko na rin naman pag-usapan pa 'yon. "Just take it slow. Bata pa kayo ni Akina at pwede pang magbago ang nararamdaman mo para sa kaniya." Tinapik ko ulit ang balikat niya at tumalikod na pero nagsalita siya ulit. "Kung makapagsalita ka, parang kontrolado mo ang nararamdaman mo." My brows furrowed when I heard Miggy's words. I immediately turned my head to him and he was already glaring at me. There was

