CHAPTER 6
Nagising nalang ako dahil sa Panaginip ko kahit hapon nanaginip parin ako?
"Hey uuwi na tayo kaganina kapa dyan okay Kana rin naman Let's Go"sabi ni Kuya saka kinuha ang mga gamit ko Tumango lang ako at sumunod sakanya
Habang naglalakad kami ay marami akong naririnig na Bulungan pero hindi kona yun pinansin gusto ko muna mag pahinga ngayon ayaw ko May kumausap sakin
Ang sama noong panaginip kaganina bakit ganun ayaw ko na yun mapanaginipan pa ulit ayaw ko mangyari yun kay Ezekiel Ayaw ko siyang mamatay Pero ano ba magagawa ko? Isa lang naman akong Hambog na Walang alam sa mga ngyayari isa akong Babaeng Kahit Gusto malaman ang mga ngyayari ay hindi pinagpapala bakit palagi nalang ako hinihimatay?tao ba talaga? Tao naman mga magulang ko malamang tao ako hindi alien
—
Umuwi muna kami ni Kuya Kurt sa bahay para Kumuha ng gamit Doon muna daw kasi kami kila Lola Neri kasi mag isa lang ako sa bahay kapag wala si kuya kasi daw May lakad Sila ni Ezekiel minsan kaya dun muna ako kay Lola Neri actually Gusto ko talaga makasama si Lola Neri para kona rin kasi siyang lola Yung lola ko kasi patay na Mas nauna siya kay lolo Miguel kaya si lolo lang nakilala ko Namatay kasi si lola noon Pinanganak ang bunso nilang anak na si Tita Sabel ngayon May anak narin si tita sabel.
Habang Nakasakay kami ni Kuya sa Kotse ay May nakita ako sa May side mirror na kaganina ko pa nakikita simula noong sa school at sa bahay sinusundan ba nila kami?
"Kuya May Naka sunod sa atin"Sagot ko habang nakatingin parin sa Side mirror
"Wag kang titingin ulit dyan sa side mirror Kumapit ka lang ha? Binilisan ko ang takbo nitong kotse para ligawin sila"sabi ni kuya Tumango lang ako inayos ko ang Upo ko gaya ng sinabi ni kuya
Binilisan ni kuya ang andar ng kotse Pumunta kami sa isang lugar na parang pamilyar sakin parang nakita kona ito hindi ko lang maalala ng maligaw namin ang mga nakasunod saamin ay Bumalik na kami sa Destinasyon namin sa bahay nila Ezekiel
Ng makarating kami sa bahay nila Ezekiel ay pinapasok kaagad ako sa loob ng bahay ni kuya ng makapasok ako sa loob ay bumungad sakin si lola Neri niyakap pa nga ako eh Namiss niya daw kasi ako eh kaganina pa lang kami nagkita
"Balita ko hinimatay ka raw?"tanong ni lola Neri habang nakaupo kami sa sofa at sinasalinan niya ang baso ng Juice
"Opo lola okay narin naman po ako"sagot ko saka tinanggap ang baso na May Juice
"Bakit kaba hinimatay?"Tanong bigla ni Kuya galing sa labas bitbit ang mga gamit ko at gamit niya narin
"Oo nga apo bakit ka nga ba hinimatay?"pag sangayon ni Lola neri
"Ah siguro Napagod lang ako sa Mga Projects namin"I lied. Hindi naman ito first time I lied minsan lang kasi ako nag sisinungaling hindi kasi ako magaling doon lalo na kong kilalang kilala ako
"Okay"sabi ni Kuya at inakyat na ang mga gamit sa taas
Nagkwentuhan lang kami ni lola Neri ng ilang minuto rin kahit papano May nalaman rin ako I mean about kay Ezekiel ang mga hilig na gawin ni Ezekiel
"Ahm lola pwede pahiram muna sakanya"biglang sabi ni Ezekiel Nakakarating lang
"Sige mag usap na kayo at magluluto narin ako"sabi ni lola neri saka pumunta sa Kusina Para mag luto
"Ahm dun tayo sa Kwarto ko don't worry wala akong gagawing masama sayo"sabi niya saka nilahad ang kamay niya at tinanggap ko rin ang kamay
This is not a First time i hold a hand with boys pero bakit iba epekto ni Ezekiel? Ano ba meron dito kay Ezekiel? Masyado naman kasi malakas ang appeal niya kaya pati siguro ako nahulog narin!
Ng makarating kami sa room niya ay tinignan ko ang paligid ng room niya puro Pikachu Yung wall ng room niya pikachu yung bedsheet pikachu rin Yung punda ng unan Pikachu rin yung Kurtina niya Pikachu rin aba hindi na ako mag tataka dito sa lalaking to Pikachu fan to! Natawa nalang ako ng mahina
"Hey"pag Tawag niya sakin
"Hey"natatawa kong sabi
"Hey wag kang tatawa kundi hahalikan kita"pagbabanta niya
Sa tingin niya ba Makukuha niya ako sa pag banta
"Pikachu pala ikaw ah! Pika-pika pikachu!"pang-aasar ko sakanya nanlaki ang mata ng bigla niya akong siniil ng halik
Hindi nga siya nag bibiro!
Tinulak ko siya baka makita pa kami ni kuya lagot ako!
"B-bakit mo a-ako hinalikan!?"Galit nasabi ko Hinampas ko pa siya sa dibdib s**t! Ang Tigas ng dibdib niya!
"Sinabi kuna sayo wag kang tatawa ayan tuloy ang sarap pala talaga ng labi mo sweetheart"nakangisi niyang sabi
"Wag mo nga akong tawaging ganyan!"saway ko"nga pala akala ko ba mag uusap tayo?"Tanong ko ng maalala yung sinabi niya sa baba.
"Oo nga pala anyway can i Court you?"munting na ako mahulog sa inuupuan ko dahil sa sinabi niya
Ano nga ulit yung court? Court ba ng Law? Court ba ng Basketball? Or Court ng Like/love? Charr hahaha diba yung Court ligaw? What the f**k!
"Ha?"inosente kong sabi
"Ang sabi ko can i Court you?"pag-ulit niya
Seryoso ba siya?
"Seryoso ka? Ang alam ko hindi moko type?"Sabi ko
"Sino nagsabi?sasapakin ko"Matapang nasabi niya
"Ako! So sasapakin Moko?"Nakaatas ang kilay ko
"Hindi kita sasapakin nag bibiro lang naman ako"Natawa nalang ako sa mukha niya
"Baka magalit si kuya kapag nalaman niya eto"mahinahong sabi ko
"Hindi ako magagalit!"Sigaw ni kuya Mula sa labas
Hindi na ako magtataka kaganina pa dyan si kuya sa labas kaya pala May narinig akong Nahulog kay kuya na gamit lang naman yun kasi siya lang nasa labas at si lola Neri naman nasa kusina!
"Ano?"
"Oo na Payag na ako"nakangiti kong sabi
"Talaga?! Yes!"Tumalon pa siya sa tuwa
"Hoy Pikachu hindi pa kita sinasagot kaya wag kang Matuwa dyan!"sigaw ko sakanya
"Wag mo nga akong tawaging Pikachu!"inis nasabi niya natawa nalang ako sa mukha niya ang cute niya kapag naiinis!
"Sige na aalis na ako ha? Dun muna ako sa room ko bye!"saka hinalikan ko siya sa Pisngi saka lumabas sa kwarto niya nakita ko si kuya kunwari nag seselpon daw siya hindi ko nalang siya pinansin pumasok nalang ako sa kwarto ko at Kinuha ang phone King ina ang daming message sa gc
-Group Chat-
Mga pinagkaitan ng pagibig
Van:hoy nasaan na kayo!
Nico:papunta na ako!
Gia:malapit na ako!
Ashley:Tatapusin ko lang itong Plate ko!
Ashton:sorry hindi ako makakapunta May lakad kasi ako eh!
Vanessa:palagi naman!
Ashley:hoy Joseph and Shane ano na kayo!
Gia:galaw-galaw din!
Nico:nakalimutan kong sabihin sainyo hindi pala si Shane makakapunta dinala siya sa Clinic
Ashley:Okay lang ba siya?
Vanessa:bakit hindi mo kaagad sinabi saamin Nico!
Gia:alam nating okay lang si Shane Malakas na babae yun hindi gaya nyong dalawa!
Vanessa:aba! Hoy gia Grabe ka naman Gurl!
Ashley:hayaan mo yan si Gia may Topak lang yan!
okay lang ako guys don't worry about me:Shane
Gia:oh diba okay lang yan si hambog paba?
Vanessa:nag worried ako sayo gurl
Ashley:mabuti naman okay ka lang
Ashton:ingat na kasi para hindi mapunta sa clinic
Nico:dahil kasi yan sa Crush niya kaya siya napunta sa Clinic
What did you say dambass!?:Shane
Vanessa:Ayiee si Shane nag dadalaga na hahaha!
Ashely:hay nako Shane sanaol nalang!
Gia:congrats may crush kana rin hahaha!
Ashton:Kilala ba namin?
Napailing nalang ako dahil sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko na mga baliw Sakanila lang naman ako nag mana wala ng iba! Habang nakatingin ako sa Kisame ay biglang nag Vibrate ang phone ko
Unknown Number:
Well hi mine! Tandaan mo papatayin ko ang mga kaibigan mo kapag hindi ka napasakin! Akin ka akin ka lang! Sharlene! Akin kalang Sharlene Herrera!
What the f**k!? Sino naman eto?! Anong Sharlene?! I'm not Sharlene!
Sino eto?!
To be Continued......