Chapter 24: Boyfriend “How are you feeling, baby?” he asked. When I saw that ghost of a smile on his face, I rolled my eyes. Bumalik na rin siya sa dati, hindi na niya ako iniignora. Nagiging clingy na ulit siya. Tsk, nakuha agad siya sa ganoon. “Just eat,” malamig na sabi ko. Kumakain na kami ngayon ng lunch. Nagpa-deliver lang siya ng pagkain sa restaurant. Pagod na pagod ako sa ginawa namin kanina. Akala ko ay isang beses lang, pero may sumunod pang nangyari. Kahit nalabag ang isa sa rules ko ay hindi ko naman iyon pinagsisihan pa. “We love each other,” he uttered. Nasa timbre ng boses niya ang saya. “That fast, ha?” Hindi ako kumibo, siguro malakas iyong koneksyon naming dalawa kaya ganoon. “Hindi na natin iyon uulitin pa,” aniko. Tumango lang siya. “Sa condo?” Kumunot ang noo

