Chapter 1: Chendra’s introduction
CHENDRA VERONNA A. CHAVEZ’s POV
INILAPAG ni Mommy ang punpon ng bulaklak sa lapida ng daddy ko. Pagkatapos niyang tanggalin ang mga dahon sa ibabaw nito at malinaw ulit naming nabasa ang pangalan ng lalaking nagbigay rin sa amin ng buhay.
Cheldon V. Chavez
Born on September 13, 1978
Died on September 13, 2017
“Pitong taon na naman ang nakalipas, mahal ko. Nandito na naman kami ng mga anak mo,” pagsisimulang saad ng aking ina at sinulyapan pa niya kami ni Chendro, na nakatayo lamang sa likod niya.
Ang nag-iisa kong nakababatang kapatid na first year college pa lamang at pareho kaming sumunod sa yapak ng aming namayapang ama na si Cheldon Chavez. Pumasok din siya sa Horizon Academy na hindi rin basta-basta nakapapasok ang mga taong walang lakas nang loob at kung hindi rin matalino.
Sa academy na iyon ay balewala ang mga mayayamang tao. Kailangan na may skills ka at pasok ka sa standard nila bilang isang estudyante nila. Karamihan doon ay mga batang mahihirap na nagkakaroon ng scholarship.
Alam mo iyong nakatatawa?
Kung sino pa ang masipag mag-aral at matalino ay sila pang mga bata na hindi kayang pag-aralin ng mga magulang nila. But I can’t judge the others. Mayroon din naman kasi na anak mayaman at talagang matatalino rin. Sa academy ring iyon ay hindi uso ang inggitan. Mas nanaig ang friendship. Hindi magulo.
Inangkla ko ang kamay ko sa kaliwang braso ng kapatid ko at pinapanood lang namin si mommy na tila kinakausap si daddy.
“Parang wala pa ring pinagbago ang 7th anniversary ng daddy,” sabi ko. Kasi tila sariwa pa rin ang mga alaala nang huli namin siyang makita at noong hinatid na siya sa huling hantungan.
Ganito pa rin ang pakiramdam. Masakit na parang nadudurog pa rin ang puso ko. Sumisikip din ang aking dibdib.
Kaming tatlo lang ang naiwan nang araw na iyon, pagkatapos ilibing si daddy. Umuulan pa nang malakas, na sumasabay iyon sa paghihinagpis at lagluluksa naming mag-iina.
16 years old pa lamang ako at that time at si Chendro naman ay 13 pa siya. Napakabata pa namin noong namatay si daddy at isa siya sa inspirasyon namin pero binawi agad siya sa amin ni Lord.
Gayunpaman, hindi naman siya nagkulang sa amin. Kasi noong nabubuhay pa siya ay marami siyang naituro sa aming magkapareho. Na kahit din abala siya sa trabaho niya ay mayroon pa rin siyang oras para sa amin.
Dating namumuno sa isang malaking security agency ang daddy namin. Kung saan na galing din sa kaniya ang mahuhusay na bodyguards.
Mabuting tao si dad pero dahil sa isang trahedya ay nasangkot siya. Alam namin na inosente lang siya at na-frame up ng mga taong nais siyang ibagsak at nangangako ako na hahanapin ko ang mga taong iyon. Pagbabayarin ko sila sa kasalanan nila sa aking ama.
Kahit sariling mga kamay ko pa— Napahinto ako nang maalala ko ang sinabi noon ni daddy.
“Always remember that, Chendra. Ang paghihiganti ay isa ring makasalanan. Hindi mo makukuha ang hustisya kung ang mga kamay mo ang maniningil. Dadanak lalo ang dugo at hindi matatapos ang labanan. Hayaan mo ang batas na gumawa ng trabaho nila, anak.”
Napabuntong-hininga ako. “Are you alright, Ate?” Chendro asked me. Tipid akong ngumiti sa kaniya at hinila ko na siya paupo sa tabi ng mommy namin.
“Hi, Dad. Kumusta ka naman diyan? Huwag kang mag-alala sa amin, dahil maayos po ang lagay namin,” sabi ko at hinawakan ni mommy ang kamay ko.
“At hindi ko rin po nakalilimutan ang paalala niyo noon sa akin, Dad. Aalagaan ko po ang pinakamaganda at pinakamamahal mong asawa, si Mommy. Babantayan ko rin po ang prinsesa mong si Ate Chendra. Kita niyo naman po na mas malaki at matangkad na ako kaysa sa kaniya,” mahaba at pabirong sabi ng kapatid ko. Tinapik pa niya ang kaliwang muscles niya kaya pareho kong natawa ni mommy. Ngunit siya ay may luhang tumulo.
“I love you, Cheldon. Hindi nawala ang pagmamahal ko sa iyo. Walang araw ang hindi kita inaalala. Alam ko rin na ayaw mong mas maging malungkot ako. Mahal ka lang talaga namin ng mga anak mo. Masaya ka sana kung nasaan ka man ngayon,” sabi pa niya at hinaplos ang pangalang nakaukit sa lapida.
“I promise na makuha ang hustisya na deserve mo, Dad. Lilinisin ko po ang pangalan mo,” seryosong sabi ko at dalawang kamay na ng pinakamamahal ko ang naramdaman ko.
“Ano man ang mangyari ay nandito lang ako, anak. Kami ng iyong kapatid,” she said and I nodded.
“I love you, Dad,” I uttered at narinig ko rin ang pagsambit ng mga katagang iyon mula kay Chendro.
Isang oras ang inilaan namin at ramdam namin pareho ang malamig na hangin na tila niyayakap din kami ni daddy. Na baka sa mga oras na iyon ay kasama rin namin siya. Ni minsan lang ay hindi niya kami binisita sa panaginip. Kahit gustong-gusto namin. Na kahit hanggang panaginip lang sana ay makasama namin siya.
Nasa gitna namin ni Chendro si mommy at pareho niyang yakap-yakap ang mga braso namin, habang naglalakad na kami paalis.
“Ipagluluto ko kayo ng paborito ng iyong daddy,” aniya at nagkatinginan pa kami ni Chendro.
“Pansit canton,” sabay na sambit naman at napangiti.
Isa iyon sa pinaka-favorite food ni daddy at naging paborito rin naming tatlo.
“Damihan mo, Mom,” wika ko na ikinatango niya.
“Ate, on diet ka, ’di ba?” tanong naman ni Chendro.
“Ayos lang. May training kami next week,” sagot ko.
“Matatanggap ka kaya sa pinag-apply-an mo, Chendra?” my mother asked me.
“Nakiusap na rin po sa superior namin, Mom. Ewan ko lang po kung papalarin ako, but sana ay matanggap po ako. That’s my purpose, and my key para matupad ko ang pangako ko kay daddy,” malalim ang boses na saad ko.
“Ipagdadasal kita, anak,” aniya at nginitian pa niya ako.
Mula nang namatay ang aking ama ay maraming tao ang nagalit sa kaniya na halos isumpa na rin ang pamilya namin. Pero may mga kamag-anak pa kami ang tila tinakwil kami.
Ikinahihiya nila kami dahil sangkot daw ang pamilya nila sa kagagawan ni daddy pero kami. Naniniwala kami na inosente si dad at hindi siya gagawa ng dahas kasi kami ang inaalala namin.
Hindi niya kami bibiguin dahil wala naman siyang dahilan para manakit ng pamilya na ilang taon niyang prinotektahan. Subalit siya ay hindi na nagawang depensahin at ipagtanggol sa isang kasalanan na hindi niya magagawa.
Para makaiwas na rin kami sa issue na iyon at maging masaya na ang kamag-anak namin ay nagpalit Kami ng surname.
Alderto, na dating apelyido ni mommy. Pero alam namin sa puso namin na isa pa rin kaming Chavez. Nawala man si dad ay parte pa rin kami ng pamilya niya.
Si mommy naman ay pinagkaabalahan niya ang Jewelry shop niya. Maliit lang iyon pero marami siyang customer at nagkakaroon din ng client na personal pa siyang pinupuntahan para lang magpa-design ng ring and necklace. Kahit papaano ay nagawa kaming itaguyod ng mommy namin. Kaya naman gusto kong makabawi sa kaniya.
I’m Chendra Veronna A. Chavez, 23 years old and last year lang akong nakapagtapos a college na related sa trabaho ko. Isa akong ladyguard kapag pinalad na makasama sa team ng superior namin.
I’m applying for a job as bodyguard, CEO ng Amadeus Real Estate Company. My purpose ay makalapit kay Elvis Vladimier Amadeus.
Siya lang ang pag-asa ko.
Napaigtad naman ako nang maramdaman ko ang vibration ng cell phone ko. Napatingin sa akin si mommy.
Binuksan na ni Chendro ang pinto sa backseat at inalalayan niya ang mommy na makasakay sa kotse niya.
Sumakay na rin ako sa tabi ng driver’s seat at kinuha ko ang phone ko para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. Nagulat pa ako nang mabasa ko ang pangalan ng superior namin.
Napatingin pa si Chendro nang mapansin niya ako. Hindi siya agad nagmaneho.
“Ma’am Leyla,” sambit ko sa pangalan ng superior ko, and yes. Babae ang superior namin. Kasamahan siya dati sa trabaho at kaibigan siya ni dad.
“Ms. Alderto, report tomorrow. Pag-uusapan natin ang bago mong misyon. Bibisita bukas sa headquarters si Mr. Amadeus, and I want you to be there to present yourself. Just prepare okay?” I nodded kahit hindi naman ako makikita nito.
“Yes, Ma’am. I will,” sagot at saka niya binaba ang tawag.
“What was that, Ate?” tanong ni Chendro.
“Maaga akong babalik sa headquarters bukas. Dahil mag-r-report na rin ako. Doon ko malalaman kung pasado na ba ako at makasasama sa team,” sagot ko.
“Goodluck, anak. Sana ay suwertehin ka bukas,” ani mommy.
“Thanks po, Mom. Kinakabahan na talaga ako para bukas,” aniko at marahan ko pang tinapik ang dibdib ko.
Si Chendro ay nagsimula na siyang nag-drive ng kotse niya. “Don’t be, Ate. Nasisigurado ko na papasa ka,” pag-cheer up naman sa ’kin ng little brother ko.
“Sana nga, Chendro,” umaasang sagot ko.