Chapter 11: Bonding
“ALCAZAR,” basa ko sa barkong nakadaong lang. Sinulyapan ko ang boss ko. Agad niyang sinalubong ang malamig na titig ko.
“Nagyayaan lang ang mga kaibigan ko. Come on, let’s go. Maybe kanina pa sila naghihintay sa akin,” aniya at nauna na siyang sumakay.
Pagkatapos naming kumain kanina ay sinabi niyang may pupuntahan kami. Kaya ngayon kahit gabi na ay lumabas pa rin kami. Pina-check ko na agad kay Klein ang area. Though wala pa akong idea kung saan talaga kami pupunta.
Muli akong napatingin sa yate. Hindi ordinaryong yate lang ang sasakyang pandagat na ito. Dahil talagang napakalaki nito at sobrang ganda.
“Vladimier, nandiyan ka na pala!” sigaw ng isa niyang kaibigan na si Kennedy. Nag-fistbump pa silang magkaibigan at sumunod iyong si Thanatos.
Nanatili lang akong nakatayo sa likod ng aking boss, hanggang sa napatingin na sila sa ’kin.
“Good things na kasama mo ang bodyguard mo. Hi, miss. Welcome sa paraiso ko,” nakangiting pagwe-welcome niya nga sa ’kin. Yumuko ako na senyales nang paggalang ko sa kanila.
Kahit may atraso ako sa kan’ya ay nagawa pa rin naman niya akong i-welcome. Hindi ko rin naman iyon sinasadya.
“How about you, T? May kasama ka ba rito?” he asked his friend.
May itinuro naman sa isang direksyon si Kennedy Alcazar. “He’s with his wife, pero nandito iyan hindi dahil gusto nitong makasama ang kaibigan natin. She’s here dahil sa gusto nitong mapawalang bisa ang kasal nila.”
“Tsk. Ang daldal mo talaga, K,” suway ng isa sabay pabirong sinuntok nito ang braso niya.
Tiningnan ko rin ang babaeng tinutukoy niya. Ito nga ang asawa ni Thanatos, ayon sa nakita kong litrato. Nakatayo lang ito, pero nakatutok sa amin ang atensyon nito. May hawak pa siyang wine glasses. She plan to get drunk I guess.
“Are you done eating your dinner? Para diretso inom na tayo.”
My boss looked at me, sa isang tingin pa lang niya ay nakuha ko na ang nais niyang ipahiwatig. Nang magsimula na silang maglakad ay sumunod na lang din ako sa kanila.
May round table sa upper duck, hindi lang sila magkakaibigan ang nandoon. Dahil may mga bisita rin sila.
“Chendra, you’re here to have fun, not to work. Just relax and enjoy the party!” I respectfully disagree, pero sa tingin pa lang niya ay parang gusto niyang huwag na lang akong pumalag at pagbigyan na lang siya sa gusto niyang mangyari.
Well, sino ba naman ako para sumuway pa sa kagustuhan ng aking boss?
He tapped the banquette, a sign that he wanted me to sit. Umupo na lamang ako at kahit inutusan pa niya ako na mag-enjoy na lang ay alerto pa rin naman ako.
“Chill out, miss. May mga security guard kami rito from Cruise Ship. We’re safe and sound,” pagbibigay assurance ni Kennedy sabay kindat pa pa niya. Nagawa nga siyang sikuhin ni Sir Vladimier at ngumisi lang din sa kaniya si Thanatos.
Napalingon ako sa paligid, particular na sa mga lalaki na normal naman ang kilos at nakita ko na may earpiece sila. Doon lang ako nakahinga nang maluwag.
“Chendra?” Napapitlag ako nang marinig ko ang pangalan ko na binanggit na naman niya. Masyado na siyang nawili sa pagtawag sa first name ko. Kung sabagay, madalas ay first name basis din ako kapag sarili ko naman ang kinakausap ko.
“Yes, sir?” tugon ko.
“You want something to drink?” he asked me. I nodded.
“Juice lang po or water,” I said. Siya naman ang napatango. May nag-serve ng inumin namin at may pulutan pa sila na hindi ko na lang pinangalanan.
“Here you are, Chendra.” Kinuha ko na ang juice na bigay niya. Yumuko lang ako bilang paggalang. I was about to take a sip when I felt three pairs of eyes watching me.
“Is everything okay?” I asked them. Hindi naman ako mukhang kabado, pero naiilang lang ako na nakatingin pa sila sa akin. Eh, iinom lang naman ako ng juice.
“Hindi ka ba umiinom ng wine, miss?” Si Thanatos ang nagtanong no’n at pinaglalaruan niya ang umbrella stick sa wineglasses niya.
“Sometime,” iyon lang ang sinagot ko na alam kong nakuha naman nila ang ibig sabihin no’n.
“Okay. T, tawagin mo kaya ang asawa mo? Yayain mo siya rito,” pangungumbinsi ni Kennedy sa kaibigan. Sinulyapan lang nito at prenteng sumandal lang siya sa kinauupuan niya.
“Let her be. Mababanas lang si T kapag hiningian na naman siya ng signature para sa annulment nila,” sabat naman ni Sir Vladimier, tuwang-tuwang pa siya sa ideyang iyon.
Nagsimula na silang mag-inuman at nang maramdaman ko na wala namang kakaiba ay nagpaalam ako na magpapahangin lang. Kahit mahangin naman sa upper deck.
Hindi naman ako lumayo, naririnig ko ang tawanan at kuwentuhan nila. Kanina ay steady lang sa daungan ang yate, pero dahil may party ay pinaandar nila ito. May kalayuan na sa port.
“C, nandiyan ka?” Inayos ko ang earpiece ko nang marinig ko ang boses ni Keith.
“I’m here. Nag-overtime ka ba, Keith? Kaya may contact ka pa rin ngayon sa akin?” curious na tanong ko.
“Yes, I have good news, C. May mga nakalap akong info. Iyong CCTV footage sa mansion ng Amadeus. Hindi ba wala tayong mahanap na kopya dati?”
“Sinadyang sinira iyon, Keith. Sa parte lang ng crime scene ay basag na ang CCTV camera, kaya wala tayong makuha roon,” paliwanag ko naman.
“Limited lang ang ibinigay sa atin na sources ng superior natin, C. Naputol lang ang kopya, ngunit malinaw na may involve pa nang gabing iyon.”
“Ano ang ibig mong sabihin, Keith?” naguguluhan na tanong ko.
Ang patunay lang na inosente ang daddy ko ay iyong hindi niya magagawa ang krimen na puwedeng ikapahamak ng sarili niyang pamilya. Masyadong loyal sa trabaho niya si dad. Imposibleng masisilaw lang siya sa pera at gumawa nang hindi maganda.
“Ang sabi lang sa atin ng superior natin ay na-frame up lang ang daddy mo. Maganda ang relasyon niya sa pamilya ni Sir Vladimier, kaya magtataka ka talaga kung paano nagkaroon ng pagtatraydor ang samahan nila. Kaya naman, C. Gusto kong makapasok sa system ng mansion nila. Baka may magawa ka, hahanapin ko lang ang CCTV footage kung may kahina-hinala,” paliwanag niya mula sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung paano ako makapupunta sa mansion ng Amadeus, eh sa condo lang ako ni Sir Vladimier. Unless na magkakaroon sila ng family dinner or something.
Parang ang hirap ding gawin iyon, lalo na secure na ang lugar na ’yon. Base na rin sa insidenteng nangyari.
Sasagot pa lang sana ako nang sumulpot na lang bigla si Sir Vladimier.
“Ano ang pinag-uusapan ninyo ni, Mr. Keith?” seryosong tanong nito at bigla naman akong kinakabahan. Marahas na napalingon ako sa kaniya.
“Relax, C. May control ako sa earpiece niya. Kung importante na ang pag-uusapan natin ay hindi na niya maririnig pa. Ewan ko ba riyan sa kaniya at ginagamit pa rin niya ang earpiece, kahit hindi na kailangan.”
I felt relief. Nakalimutan ko na may earpiece rin pala ang isang ito. Ngunit tama nga si Keith.
“Wala lang po, sir,” magalang na sagot ko na hindi agad siya satisfied. Napabuntong-hininga lang siya. “Okay lang po ba kayo?” tanong ko.
Hindi na siya sumagot at tinanaw na lang niya ang maliwanag na kalangitan. Pinakiramdaman ko pa siya. Bakit yata parang may mabigat siyang dala-dala sa kaniyang dibdib?
“Alam mo ba kung bakit palagi kong iniiwasan ang fiancé ko?” out of nowhere ay tanong niya. Sa lahat nang puwede niyang ikuwento ay tungkol pa sa fiancé niya.
“What about her, sir?”
“Iniiwasan ko siya ay hindi lang dahil ayaw ko sa kaniya. Yes, maganda nga siya. Trip ng ibang lalaki, but not me. Wala lang akong tiwala sa pamilya niya. Every time na kasama ko ang daddy niya ay para akong naduduwag na harapin siya. May bad vibes lang siya na tila nanganganib ako,” mahabang kuwento niya at ako naman ang napahinto. “Ngayon tatanungin kita kung bakit sa dami-rami ng bodyguard na mapipili ng daddy ko ay bakit ikaw pa?”
May connect ba roon? Sabagay nakapagtataka nga naman. Naisip ko na baka inaasar lang siya, dahil mahigpit ang bilin niya na huwag siyang magkaroon ng ladyguard.
“May dahilan po ba iyon, sir?”
“Because you’re a girl at nati-trigger ang kalaban ko. Lumalabas sila kahit wala pa akong ginagawa,” seryosong sabi niya. Hinahanap ko ang puwedeng dahilan kung bakit ganoon na lamang ang lumabas sa kaniyang bibig.
“Did he suspect his fiancée?” Boses ni Keith lang ang tanging narinig ko.