Chapter 28: Videos “JAMIE, ang daming files dito. Ewan ko kung puwede nating gamitin ito. Transaction lang ito ng mga clients nila,” sabi ko kay Jamie. Kausap ko na siya thru video call sa laptop ko. Iyong isa naman ay hiniram ko pa kay Vladimier. “Kung puwede lang i-send ’yan agad dito ay sana kanina pa natin ginawa. Pero baka malaman ng superior natin na may ginagawa tayong ibang trabaho maliban sa task na ibinigay sa atin,” nababahala niyang sabi sa kabilang linya. Nangalumbaba pa siya habang nakatutok din sa screen ng laptop niya. Napatango ako, dahil iyon din naman una kong naisip. Kaya mas mainam na iyong flash drive na lang ang kunin niya. Napatingin naman ako sa pinto ng kuwarto ko nang may kumatok at binuksan iyon. Hindi na ako lumingon pa. “Dinner, baby?” Naibalik ko ang tin

