— Zhanaira —
“Dito tayo bibili?” nanlalaki matang tanong ko kina Ice nang makarating kami sa Mall.
“Yes,” sagot niya at nginitian ako.
Napatingin ulit ako sa mall. Dito talaga? Kahit isang beses ay hindi pa 'ko nakakabili ng gamit sa mga malls dahil sa kakapusan sa pera, maliban na lang kung libre sa 'kin. May nanlilibre sa 'kin dito dati.
Tapos... tapos... Nandito na kami ngayon sa tapat ng Mall kung saan mamahalin ang mga paninda.
Ngumiti ako at parang na-excite. Nahihiya ako pero parang gusto ko rin! Gusto kong maramdaman ulit kung anong feeling at pinagkaiba ng mamahalin sa murang gamit.
“Tara na?” aya sa 'min ni Raiven na agad naming tinanguan.
Pumasok kami sa loob at naglibot agad ang paningin ko. Nakapunta na 'ko isang beses dito kasama si Yuri, pinipilit niya pa nga 'kong bilhan noon ng damit dito na may presyong isang libo mahigit na hindi ko tinanggap dahil sobrang mahal naman niyon.
Tiningnan ko muna ang sarili ko. I'm just wearing a simple yellow dress, 2 inches above the knee at black flat shoes. Isa 'to sa mga binili nila Zack para sa 'kin, buti na lang at kasya.
“Pagkatapos natin sa National Bookstore, sa mga botique naman tayo. Bili ulit tayo ng damit ni Zhanaira,” sabi ni Railey na ikinatango na lang ng lima pa.
“Ha? Kahit huwag na, okay naman na—”
“We will buy,” agad na sabi ni Zack kaya natahimik ako. “Let's go, faster!” parang naiinip na dugtong niya at malalaki ang hakbang na lumakad na.
Napakamot na lang sa ulo sina Railey, Cedrick, at Fire habang ako ay tinitigan lang ang likod ni Zack.
May topak siguro siya.
Pumasok kami sa National Bookstore at pumunta sa section ng school supplies.
“Get what you want but five notebooks are enough because usually, we're using laptop and writing apps for notes. Minsan lang ginagamit ang notebook,” sabi ni Zack.
Kinagat ko na lang ang labi ko. Wala naman akong laptop, e. Edi dadamihan ko na lang ang kuha sa mga notebook.
Lumayo ako sa anim at pumunta sa mga notebooks. Ang iba naman ay lumayo na rin at nagkanya-kanya ng tingin. Nagsimula na akong kumuha ng mga notebook na higit pa sa lima.
“I said, five are enough.”
Napaogtad ako sa gulat dahil nasa likod ko lang pala siya.
Si Zack.
“Ha?” parang tangang tanong ko, kinunotan niya naman ako ng noo. “Ano kasi.. Wala naman akong laptop kaya—”
“I'll buy you a laptop,” mabilis niyang sagot na ikinalaki ng mata ko.
Seryoso ba?
Nakakahiya, shems! Ang dami niya nang nagagastos para sa 'kin!
“Kahit huwag na, Zack. Okay lang naman sa 'kin magsulat—”
“I said, I'll buy for you.”
Sige, putulin mo lahat ng sasabihin ko!
Dahan-dahan akong tumango dahil seryosong-seryoso ang mukha niya at... ang guwapo niya kapag ganiyan siya.
“S-Sige, thank you...” sagot ko at bumalik sa pamimili. Nang makakuha ako ng limang notebook ay sumulyap ako saglit sa kaniya. “Bakit ba ganiyan ka?” tanong ko.
“What?”
Tiningnan ko siya. Nagtataka ang mata niya habang nakatingin sa 'kin pero walang expression ang mukha niya.
“Bakit mo 'ko tinutulungan kahit hindi mo naman talaga ako kilalang-kilala? Hindi ka ba natatakot na abusuhin kita?” tanong ko at kumuha ng mga ballpen.
Curious lang ako sa pagiging mabait niya sa 'kin.
“Bakit? Gagawin mo ba?” taas kilay na tanong niya na ikinailing ko agad. “I just want to help. Stop asking me,” masungit na sagot niya sa tanong ko at tumingin sa ibang direksyon.
Nag-cross arm pa siya.
Napaismid na lang ako. Ang sungit naman.
“Miss!”
Napalingon ako bigla sa kumalabit sa 'kin.
Isang lalaking may mahabang buhok at moreno.
“Bakit po?” tanong ko sa lalaking tumawag sa 'kin na parang natulala pa sa pagharap ko. “Kuya?”
“Ehem!” Tumikhim muna siya. “Bibilhin mo ba 'yang ballpen? Ayan kasi 'yung ballpen na gusto ng kapatid ko, kanina pa ko naghahanap ng ganiyan at nag-iisa na lang pala,” tanong niya at itinuro ang hawak ko.
Napatingin ako bigla sa ballpen'g hawak-hawak ko. Nakita ko ang presyo nito at sobrang mahal pala.
Nginitian ko ang lalaki. “Hindi, sa 'yo—”
“Bibilhin niya.”
Napalingon ako bigla kay Zack na tumabi na sa 'kin.
“Pero ang sabi niya, hindi—”
“So?” masungit na tanong ni Zack at namulsa. “Get out of our sight. Huwag mo siyang kausapin,” malamig na dugtong niya pa at humarap sa 'kin. “Get it and let's go.”
“Sorry, kuya!” paumanhin ko.
Pilit naman siyang tumango sa 'kin.
“Zhanaira!”
Wala na akong nagawa kun'di kunin ang ballpen at sumunod kay Zack na tinatawag na 'ko.
Bumalik na lang ulit kami sa pamimili. Nang matapos kami ni Zack ay agad naming hinanap ang mga kasama namin.
“Tapos na kayo?” tanong ni Raiven nang makita na namin sila. Tumango naman kami pareho.
“Timezone muna tayo!” suggestion ni Railey.
“Tapos kain tayo after,” singit naman ni Cedrick.
“Huwag ka na umangal, Zack!” gatong ni Fire na parang alam na alam na aangal si Zack.
“Bawal KJ dito,” sabi ni Ice at agad na tumingin sa 'kin. “Papayag ka, 'di ba?” tanong niya sa 'kin.
Bahagyang nanlaki ang mata ko. Bakit ako pa ang tinanong niya?
“B-Bahala kayo,” sagot ko at nagkibit balikat.
“Fine, let's go,” sagot ni Zack at pinangunahan na ang paglalakad.
Binayaran namin lahat ng nabili namin. Halos mahiya pa ako nang makita kong mahal na pala ang nagastos sa mga kinuha ko. Nakakahiya talaga 'to!
Gaya ng sabi nila, dumiretso nga kami sa time zone. Napatingin agad ako sa paligid at sa mga taong naglalaro sa loob. Kapag nandito kami ni Yuri, lagi rin kami naglalaro dito at laging libre niya.
Nakaka-miss tuloy siya. Pupuntahan ko na lang siguro siya bukas.
“Gusto mo mag-basketball?” tanong ni Ice sa 'kin na ikinatango ko agad. Kami rin lagi ni Yuri ang laging magkasamang mag-basketball dito, e. “Sige, tara! Doon lang kami mga pre!” paalam niya sa mga kasama namin.
“Tara, hanap muna tayo ng masarap na putahe ro'n,” rnig kong sabi ni Fire.
“Mabuti pa nga,” sagot naman ni Cedrick na ikinailing ko na lang.
Hinawakan ako ni Ice sa kamay saka kami lumapit sa basketball game. Naglabas siya ng credit card at itinap doon.
Nagsimula kaming maglaro pero mga dalawa palang nash-shoot ko habang siya ay sunod-sunod na at wala pang palya.
“Ang galing mo naman! Dalawa pa nga lang nashu-shoot ko,” natatawang sabi ko sa kaniya.
“Salamat. Hindi sa nagmamayabang pero marunong din akong mag-volleyball,” sagot niya at tumawa na rin.
“Talaga? Wow naman!” Nagbato ako ng bola. “Anong pinaka-sport niyong anim?” tanong ko.
“Basketball, syempre, lahat kami marunong mag-basketball. Si Zack, marunong sa board games. Si Fire, volleyball din. Si Cedrick at Railey, badminton. Si Raiven naman ay swimming,” Sagot niya na ikinangiti ko na lang.
Sporty naman pala sila.
“May mga girlfriend ba kayo?” biglang tanong ko dahil na-curious ako bigla sa lovelife nila.
“Wala. Ka-fling siguro, meron. Hindi naman kami seryoso sa babae,” sagot niya na ikinatahimik ko. “Pero kahit mga gago kami, dumating lang 'yung babaeng magpapatino sa 'min, okay na kami,” biro niya na ikinatawa ko na lang.
“Hindi pa ba tapos 'yan?”
Bigla akong napalingon sa likod. Si Ice din ay biglang napalingon.
“What?” Si Zack na naka-cross arm habang nakatingin sa 'min. “I'm hungry.”
“Tama na, Ice. Pagod na rin ako,” sabi ko na lang dahil nagugutom na nga raw si Zack.
“Okay. Hanapin ko lang 'yung apat na ulupong,” nakangiting sagot niya na ikinatango ko na lang.
Lumakad na siya paalis at naiwan na lang kami ni Zack dito.
“Are you hungry too?” tanong niya sa 'kin kaya tumango ako. Hindi na siya nagsalita pa at naghintay na lang din.
“Oh? Ang bilis naman. Hindi ko pa nga nabobola 'yung babae ro'n,” kamot-ulong sabi agad ni Fire nang mapuntahan na nila kami.
Ice was right. Mga babaero nga sila.
“Gutom na raw si Zack,” batatawang sagot ni Ice. “Kaya tara na,” sabi niya at nauna nang maglakad.
“Patay gutom ka na rin pala, Zack.”
Bigla akong natawa sa sinabi ni Railey. Baliw!
“Grabe ka naman! Hindi ba pwedeng gutom lang talaga?” natatawang tanong ni Raiven.
Napaismid lang si Zack at tiningnan ako kaya napatigil ako sa pagtawa pero nagpipigil pa rin.
Nakakatawa kasi 'yung way ng pagkakasabi ni Railey sa sinabi niya kanina, sorry naman.
Palabas na kami ng time zone nang may nahagip ang mata ko. Nakita ko ang isang keychain na violet sa loob ng isang lagayan. Sobrang cute ng design tapos favorite color ko pa. Napatitig tuloy ako ro'n.
“Zhanaira?” mabilis akong napalingon sa mga kasama ko. Mga ilang hakbang na ang layo nila sa 'kin.
Natulala pa yata ako!
“Anong tinitingnan mo?” tanong ni Cedrick bago sila lumapit ulit sa 'kin.
Napalingon naman ako saglit sa keychain. “Wal—”
“Gusto mo 'yung keychain?” tanong ni Raiven at tinuro ang tinitingnan ko kanina.
Dahan-dahan akong tumango kahit nakakahiya. “Oo, pero huwag na,” sagot ko dahil kailangan pang laruin 'yon at sungkitin ang keychain mula sa lagayan.
“Kunin natin, tara,” sabi ni Ice at nanguna na naglakad palapit doon.
Marahan na lang akong napakamot sa ulo ko at sumunod sa kanila.
“Ako muna!” presinta ni Fire at nag-swipe ng credit card niya. Naka-ilang try siya pero hindi niya nakuha.
“Ako na nga!” sabi ni Cedrick at tinabig siya. “Ayaw!” naiinis niyang sambit dahil hindi niya rin makuha.
“Ako! Ako!” Si Railey ang sumunod na tinabig din siya at nag-try.
“Madaya ang machine na 'yan. Tama na kaya? Sayang naman laman ng credit cards n'yo,” sabi ko sa kanila pero hindi nila 'ko pinakinggan.
“Let me...” singit ni Ice at sinubukan rin kunin ang keychain pero hindi niya rin nakuha.
Napatingin kaming lahat kina Raiven at Zack na hindi pa nagta-try.
Seryosong lumapit sa machine si Zack at nag-swipe ng credit card.
“Argh!” inis na sabi niya at hinampas pa ang machine dahil sa inis.
Nahawakan ko agad siya sa braso. “Tama na,” pigil ko.
“Ako na, pre,” sabi ni Raiven at pumalit kay Zack.
Inis namang naglakad pabalik at tumabi sa 'kin si Zack.
Sinubukan na rin ni Raiven pero hindi niya rin makuha kaya pinigilan na namin siya.
“Tama na, Raiven. Nagsasayang lang kayo ng pera. Keychain lang naman 'yan, maghahanap na lang ako ng ibang keychain sa labas,” pigil ko pero hindi man lang siya nakinig.
“Wait...” sagot niya at sumubok pa.
Napailing na lang ako. Ang OA. Meron naman siguro niyan sa mga store rito.
Hindi ko na siya pinanood pa at tumingin na lang sa ibang taong naglalaro. Hindi na 'ko umaasa na makukuha niya 'yon.
“Wow! Nice!”
“Zhanaira!”
Mabilis akong napalingon sa kanila. Nagulat na lang ako nang tumambad sa harap ko ang keychain na violet. Hawak-hawak 'yon ni Raiven.
“Wow! Thank you!” masayang pasasalamat ko at agad na kinuha ang keychain.
Oh my gosh, nag-effort talaga sila para dito!
“You're welcome,” nakangiting sagot niya.
Napangiti ako lalo. “Thank you talaga!” natutuwang sabi ko at tiningnang mabuti ang keychain.
May crystal pa siya sa bawat gilid. Basta, maganda ang design.
“Tapos na? Pwede na kumain?”
Napalingon kaming lahat kay Zack na mukhang inip na inip na.
“Tara na,” ata ko at itinago na ang keychain. “Gutom na gutom na raw si Zack,” dugtong ko pa at naglakad na.
Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi ko na siya pinansin pa.
Pumunta kami sa Greenits. Naghanap muna kami ng upuan at nagpresinta naman si Ice at Railey na sila na ang oorder.
“Sit here,” utos ni Zack at pinaghila ako ng upuan. Tumabi siya sa tabi ko sa kanan, si Raiven naman ay sa kaliwa ko tumabi.
Okay, napagitnaan.
“Inaayos na ng tauhan ko ang lahat ng kailangan para makapasok ka sa Victorio University. Baka bukas ay pwede ka nang pumasok do'n.”
Napatingin ako kay Zack nang magsalita siya.
“Talaga?” nakangiting tanong ko.
“Yup. Get yourself ready. Ide-deliver na rin mamaya ang uniform mo,” sagot niya habang nilalaro ang tissue na nasa table.
“Thank you...”