[CHAPTER 10] ◌●◌ NAGISING SI Francine sa paghalik at pagdila ni Chichi. Ayaw niya pa sanang tumayo dahil parang binabarena ang ulo niya sa sakit ngunit hindi siya tinitigilan ng aso. Sa huli, ang dalaga na lang ang sumuko. Nakabusangot na umupo si Francine sa higaan habang pupungas-pungas pa ang mga mata. Puyat na puyat siya sa pagbabantay kay Diezel kagabi. Nilagnat pa kase ito dahil sa tindi ng lason na nainom ng bunsong Dela Vega. Tumawag pa siya ng doktor para masiguradong nasa mabuting kalagayan ito. Nang sabihin ng doktor na wala na ito sa panganib, saka lang siya nakapante at nakatulog. Naiinis niyang ginulo ang buhok at lulugo-lugo na umalis sa higaan. Nang makababa sa hagdan ay kaagad na tumaas ang kilay niya dahil sa matinding ingay na nanggagaling sa kusina. "Arouch! Bak

