[CHAPTER 33] ◌●◌ TAHIMIK ANG naging biyahe ni Chaos at Francine patungo sa Fortress. Bago makapasok sa loob ay marami silang dapat na isaalang-alang. Unang-una, ang kaligtasan nila sa pagpasok doon. Hindi ganoon kadaling pasukin ang loob kung hindi naman imbitado o walang pahintulot ng nasa loob. Mga buwitre ang nasa loob ng Fortress at sila ang pagkain. Hindi sila bubuhayin kapag nalaman ng mga itong peke ang tattoo na nakalagay kay Francine. Sa labas pa lang ng Fortress ay may naglalakihang pader ng haharang sa mga magtatangkang pumasok. Ang itaas nito ay aabot sa one-hundred feet. Sementadong kulay abo at itim ang kombinasyon ng kulay ng pader. Nasa gitna sila papasok sa b****a kaya hindi niya na makita ang hangganan sa kaliwa at kanan. Aakalaing normal lang ang mga butas sa pader

